DANCE IN THE DARK FOURTEEN
DANCE IN THE DARK: ZAC — CHAPTER FOURTEEN
ZAC'S POINT OF VIEW
"Hindi mo ba nakita?" ang tanong ko kay Amos.
"Hindi nga. Saan mo ba kasi inilagay iyong flash drive na iyon?" tanong nito sa akin.
"Kanina habang kumakain tayo e nasa akin pa iyon. Nasa wallet ko. Ngayon e wala na ang wallet ko." ang sagot ko.
"Nadukutan ka pa ata." naiiling nitong sabi.
"Hindi bale, may kopya naman ako ng laman ng flash drive na iyon." ang sabi ko.
"Zac, ang tigas din ng ulo mo, ano? Sinabi ko na sa iyo na huwag mo nang titignan ang laman ng flash drive na iyon e." sabi ni Amos.
"Alam naman na natin ang laman no'n. Mga files lang na hindi ko naman kung tungkol saan." ang sabi ko.
"Iyon na nga. Hindi naman natin alam kung tungkol saan ang mga ito kaya huwag na lang natin pakialaman. Baka ano pa ang mangyari sa atin kung ipagpapatuloy mo pa ang pagkalkal sa laman ng flash drive na iyon. Baka ano pa ang malaman natin" sabi ni Amos.
"Hindi ka ba kasi talaga nagtataka? May dugo ang damit ng lalaking nagbigay ng flash drive sa atin. Sigurado ako na importante ang laman no'n." nakangiti kong sabi.
"At sasabihin ko rin kasi ulit sa iyo na importante ang buhay natin. Huwag na tayong makialam sa flash drive na iyon. Kung sakali man na maibalik ang bagay na iyon sa iyo, itapon mo na kaagad." anang Amos.
"Ang killjoy mo talaga." naiiling kong sabi.
"Nagiging maingat lang ako, Zac. Sa ating dalawa ay ikaw ang mas matalino. Alam mo kung ano ang mawawala sa atin kung sakali na mapahamak tayo. Huwag nating isaalang-alang ang tahimik nating buhay para lang sa bagay na wala naman tayong kinalaman."
"Oo na. Nangangako ako sa iyo na buburahin ko na iyong kopya ko ng files. Itatapon ko rin kaagad iyong drive kung sakali man na maibalik sa akin iyon." ani ko.
"Buti naman at marunong kang makinig. Tandaan mo, damay tayong dalawa rito kaya hindi lang sarili mo ang dapat mong ingatan kung hindi pati na rin ako." anang Amos at saka nito hinawakan ang aking mga kamay.
Napa-iling ako.
Hinila ko kaagad ang mga kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak.
"Ang galing mo ring mag-segue ano? Iba talaga ang mga galawan mo." nakangisi kong sabi.
"Totoo naman kasi. Kailangan mo akong alagaan at kailangan kitang alagaan." saad nito.
"Sus! Ang tamis mo! Baka isipin ko niyan nililigawan mo na ako." sabi ko rito.
"Pwede naman, single naman tayo pareho." anang lalaki.
"Mag-drive ka na lang nga. Ang korni mo." sabi ko habang natatawa pa.
"Pero seryoso, bakit hindi mo ako hayaan na ligawan ka? Ganoon ba ako kapangit para hindi mo ako magustuhan?" tanong ni Amos sa akin.
"Uy! Wala akong sinabi na pangit ka. Wala rin naman akong sinabi na hindi kita gusto." saad ko.
"Edi kung liligawan kita ay may pagasa ako?" nakangiting tanong ni Amos.
"Hindi ko alam. Kung magiging honest ako sa iyo, sasabihin ko na bukod sa minsan na nalilibugan ako sa iyo at naku-kyutan ako sa iyo, wala na akong ibang espesyal na nararamdaman pa." ang pag-amin ko.
"Okay na iyon, at least alam ko na may chance ako. Hayaan mo lang ako na ligawan ka." anang lalaki.
"Amos, malapit kitang kaibigan. Hindi ko nais na isang araw ay obligahin mo akong sagutin ka at hindi ko iyon magawa. Hindi ko gusto na masira ang pagkakaibigan natin." seryoso kong sabi.
"Alam ko naman ang kalalabasan nito, ngunit nais ko pa ring sumugal. Huwag kang mag-alala, kung ano man ang maging sagot mo sa akin ay okay lang." ani nito.
"Basta Amos ah, huwag kang magagalit sa akin." nag-aalala kong sabi.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo? Alam mo naman kung gaano kita kagusto, hindi ba?" si Amos.
Tumango ako.
Imbes na ihatid na ako ng gago sa bahay ay nagpunta kami nito sa isang restaurant. Nagugutom daw siya ulit kaya kakain na muna kami.
Napapailing na lang ako sa katakawan niya. Galing pa lang nito kami sa pagkain at ngayon e kakain na naman kami.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Ikaw?" balik tanong ko sa kaniya.
"Talaga? Ako ang gusto mo?" masaya nitong mga tanong.
"Ah? Ano ka ba? Hindi. Tinatanong ko kung ikaw anong gusto mo. Pareho na lang tayo." sagot ko.
"Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko." nakangiti nitong sabi.
"Uy! Amos! Umayos ka nga. Nakakahiya dito kay kuya. Ang harot-harot mo." naiiling kong sabi rito.
"Okay lang, sir. Ang kyut nga ninyo ng boyfriend mo. Bagay na bagay kayo." sabi ng waiter.
"Ah kuya h—"
At hindi ko na nga naituloy pa ang sasabihin ko dahil sumabat na si Amos. Nagpasalamat ito sa waiter at pagkatapos ay sinabi na niya ang mga gusto naming kainin dito.
Wala na akong nagawa pa. Hinayaan ko na lang na isipin ng waiter na boyfriend ko itong engot na Amos na ito.
"Hindi ba masarap ang food?" tanong ni Amos sa akin.
"Masarap." sagot ko.
"Hindi mo nagustuhan na pinalabas ko na boyfriend kita, ano?" tanong niya.
"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako komportable. Hindi lang ako sanay." sagot ko.
"May proposal ako sa iyo." sabi nito.
Kumunot ang noo ko.
Napatitig ako nang maiigi sa aking kaibigan at pagkatapos ay tinanong ko siya kung ano ang proposal na sinasabi niya.
"Subukan natin. One month. Kung sa isang buwan na iyon ay wala ka pa ring espesyal na nararamdaman para sa akin, titigil na ako. Tatanggapin ko na lang na hanggang kaibigan lang ako." sabi ni Amos.
"Amos naman. Alam mong hindi ko gusto itong mga ganito." nag-aalala na sabi ko.
"Isang buwan. Magiging nobyo kita. Mas makikilala natin ang isa't isa. I swear titigil talaga ako kapag wala pa rin. Ipagpapasalamat ko na lang na kahit isang buwan lang ay naging akin ka." seryoso niyang sabi.
Bumuntong hininga ako.
Hindi ko sana nais na patulan ang kahibangan nitong si Amos kaya lang ay alam ko na hindi naman niya ako titigilan.
Mas maiigi na ito. At least hindi na niya ako kukulitin pagkatapos ng isang buwan.
Okay naman si Amos. I'm sure magiging masaya naman ako sa isang buwan na usapan namin.
"Please, pumayag ka na." sabi ni Amos.
"Oo na. Payag na ako basta huwag ka nang makulit ah." nakangiti kong sagot dito.
Ngumiti si Amos at pagkatapos ay dali-dali itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Thank you, Zac! I swear hindi ka magsisisi na pumayag ka. Gagawin ko ang lahat para sa iyo." masaya nitong sabi.
"Uy! Tama na! Sobrang PDA na ito. Pinagtitinginan na tayo." ang sabi ko.
"Hayaan mo sila. Isang buwan lang naman kitang magiging boyfriend kaya susulitin ko na ito." anang Amos.
"Hahahaha! Oo na, pero mamaya na. Kumain na muna tayo dahil nagugutom na rin ako." sagot ko sa kaniya.
Kumawala na si Amos sa pagkakayakap sa akin at pagkayari ay bumalik na ito sa pwesto niya.
Kumain na muna kaming muli. Masaya ako na masaya si Amos. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang saya ko.
Pagkahatid ni Amos sa akin sa bahay ay niyaya ko muna siya sa loob. Tinungo namin ang kwarto ko at sinabi ko sa kaniya na maliligo lang ako.
May gagawin sanang kapilyuhan ang mokong, ngunit kaagad akong nakatunog kaya sinarado ko nang maiigi ang pintuan ng banyo.
Nakangiti ako habang naliligo. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ramdam ko talaga na masaya ako.
Hindi naman siguro masama kung susubukan ko kay Amos. Hindi naman siguro masama kung sakali man na mahulog ang loob ko sa kaniya.
Lalo akong napangiti.
Tinapos ko ang aking pagligo at saka na lumabas ng banyo.
Nadatnan ko si Amos na may ginagawa sa kaniyang cellphone. Kaagad kong naagaw ang atensyon nito at napangiti siya sa akin.
"Gwapo talaga ng baby ko." sabi ng lalaki.
"Baby mo mukha mo." natatawa kong sabi sa kaniya.
"Ayaw mo ba na iyon ang itawag ko sa iyo? Isang buwan lang naman e." ani nito.
"Ikaw ang bahala." sagot ko sa kaniya.
Tinanggal ko ang twalyang nakatapis sa akin. Hindi ko alintana kung makita man ni Amos ang kahubran ko. Tutal ay nakita na rin naman niya ito dati.
Nagbihis ako at pagkatapos ay tumabi kay Amos na nakatitig sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Nagulat lang ako na naghubo at hubad ka sa harapan ko." sabi nito.
"Ano pa ba naman ang itatago ko sa iyo e nakita mo na akong nakahubo at hubad dati. Saka kampante naman ako pagdating sa iyo. Wala akong pagka-ilang na nararamdaman."
"Sure ka ah? Ayaw ko lang na isipin mo na nananamantala ako." nag-aalala nitong sabi sa akin.
"Sus! Kanina sobrang pervert mo ngayon bigla ka na lang naging maginoo." nakangisi kong sabi rito.
"Basta kung hindi ka komportable sa isang bagay ay sabihin mo lang sa akin. Hindi naman ako magpipilit." ani nito.
"Uy! Bakit ang sweet mo? Gago! Hahahaha! Hindi ako sanay."
"Kinikilig ka ba?" nakangiti nitong tanong sa akin.
Biglang nag-init ang aking magkabilang pisngi. Kaagad akong umiwas ng tingin kay Amos at sinabi sa kaniya na umasa siya na mapapakilig niya ako.
Narinig kong tumawa ang lalaki at pagkatapos no'n ay sinabi niya na okay lang daw kung aminin ko na kinikilig ako.
Kung ano-ano pa ang mga kalokohan na mga ginawa at pinagsasabi ni Amos. Sa tagal na naming mag-kaibigan nito, ngayon ko lang napagtanto na ang dali-dali lang para sa kaniya na pasayahin ako.
Hindi ko ito masyadong binibigyan ng pansin dati, ngunit ngayon ay malinaw na malinaw ko nang nakikita na masaya talaga ako kapag siya ang aking kasama.
JASON'S POINT OF VIEW
"Uy! Loyd! Kumusta ka na? Hindi ka na napapadalaw sa bahay ah. Isang linggo ka na ring hindi nagpapakita sa akin." nakangiti kong sabi sa lalaki.
"Ah? Ano, pasensya ka na. Marami lang kasi ang trabahong ginagawa ko lately kaya wala akong oras para lumabas." sagot nito.
"Oo nga e. Balita ko isa kang magaling na Architect. Tapos may pagmamay-ari ka ring businesses. Hindi na ako magtataka kung busy ka nga." saad ko.
"Ah, oo." sabi naman nito.
"Ngayon ba ay may ginagawa ka? Yayayain sana kitang uminom kung okay lang sa iyo." ani ko sa lalaki.
"Hindi ako pwede. May pupuntahan kasi ako." ang sagot nito.
"Ah, okay, may girlfriend ka na pala." ang malungkot kong sabi.
"Hindi, wala. I'm gay. Hindi ako magkaka-girlfriend." saad ng lalaki.
"Ah, okay. So, may lakad kayo ng boyfriend mo?"
"Wala rin akong boyfriend. Naghiwalay kami nito. Naiwan siya sa manila at umuwi ako rito sa Pampanga. Kliyente ang kikitain ko ngayon at hindi kalandian."
"Sorry, masyado na ata akong nagiging madaldal." nahihiya kong sabi.
"Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako? Mabilis lang naman itong meeting na dadaluhan ko. After no'n ay pwede na tayong uminom. I need a break din naman at sa tingin ko ay okay ang mag-inom ngayon."
Napangiti ako.
"Talaga ba? Payag ka?" tanong ko.
Tumango ito.
"Sige, pasok na muna ako sa loob ng bahay namin. Hintayin na lang kita. Mag-doorbell ka na lang ah." nakangiti kong sabi kay Loyd.
Tumango ito at saka na nagpaalam sa akin.
Kaagad akong pumasok sa bahay namin. Tumungo ako sa kusina at iniluto ang pwede kong lutuin na pulutan.
Bumili na rin ako ng alak dahil kakaunti na lang ang stocks namin nito.
Pagkatapos ay naligo ako at sinigurado ko na mabango ako.
Tatlong oras ang lumipas at medyo naiinip na ako. Nakalimutan ba ni Loyd ang usapan namin?
Baka naman naka-uwi na ito at dumiretcho na sa bahay niya.
Bumuntong hininga ako.
Madali akong lumabas at tingungo ang harapan ng bahay niya. Nag-doorbell ako. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa makumbinsi ako na hindi pa nakakauwi si Loyd.
Buong gabi ko itong hinintay at hanggang mag-umaga ay walang Loyd na nagparamdam sa akin.
Sobrang sama ng loob ko dahil sa ginawa ni Loyd sa akin. Kung hindi siya pwede ay sana ay sinabi na lang niya kaagad. Hindi itong pinaghintay niya pa ako at pinagmukhang tanga.
Hindi na sana ako papasok pa sa eskwelahan, ngunit hindi maaari. Midterm examination kasi namin ngayon kaya hindi pwedeng lumiban.
Maghapon akong tahimik, tulala, at inaantok. Kitang-kita ko ang paglalandian nina Zac at Amos, ngunit hindi ako magkaroon ng lakas para mainis sa mga ito.
Hanggang sa pag-uwi ay masama pa rin ang pakiramdam ko.
Kaagad akong natulog at malalim na ang gabi nang magising ako.
Habang umiinom ako ng tubig, biglang tumunog ang phone ko.
Binitawan ko ang basong hawak ko at kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa.
May friend request ako sa Facebook galing sa lalaking nagngangalan na Loyd Rivera. Hindi ko na sana ito papansinin pa, ngunit hindi ko kaya. Tinaggap ko ang friend request ni Loyd at mayamaya pa ay nagpadala na ito ng mensahe sa akin.
"Hi! Hindi ko alam ang cellphone number mo kaya hindi kita matawagan. At kanina na pinuntahan kita ay nasa school ka na raw. Bumalik ako ng hapon, pero tulog ka naman. Alam ko na kahit anong excuses ang gawin ko ay hindi nito mababawasan ang inis mo sa akin. Pero ganoon pa man ay nais kong humingi ng sorry sa iyo." ang sabi ni Loyd sa mensahe niya sa akin.
Hindi ko nireplyan si Loyd. Hinayaan ko lang na makita niyang na-seen ko ito. Gusto ko na maramdaman din niya kung gaano nakakainis ang maghintay sa wala.
Bumalik ako sa kwarto ko at muling natulog. Kinabukasan, nagulat na lang ako nang kasalo namin sa almusal si Loyd.
Kinausap pala nito si Daddy at itong tatay ko naman ay ibenenta ako ng buhay.
"Mag-usap kayong dalawa ah. Tsk! Tsk! Jason, ayusin mo ito." anang Daddy.
"Bakit ako? Hindi ko naman kasalanan na masama ang loob ko sa kaniya." sagot ko.
"Kaya nga siya humihingi ng despensa sa iyo e. Alam mo ba kung ilang beses siyang nagpabalik-balik dito kahapon para lang maka-usap ka? Sa totoo lang e napagod na lang ako sa kakabukas ng gate para sa kaniya." anang Daddy.
"Sorry po, tito." anang Loyd.
"O siya, maiwan ko muna kayong dalawa. Naka kain na rin naman ako." sabi ni Daddy at saka na ito umalis.
Napatingin ako kay Loyd. Sinabi ko na umalis na siya dahil naiinis pa ako sa kaniya.
Humingi ito ng tawad sa akin at pagkatapos ay sinabi niya na magpapaliwanag siya.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Umalis ka na lang dahil mas maiigi iyon." anang ko.
"Pauwi na ako nang ma-hold up ako. Kinuha ang wallet ko at ang phone ko. Buong gabi akong nasa prisinto at nag-aantay ng update sa kasong ni-report ko. Hindi ko sinasadyang mawala sa isipan ko ang tungkol sa lakad natin." anang Loyd.
Bigla namang nagbago ang timpla ng aking mood. Kung kanina ay naiinis ako sa kaniya, ngayon naman ay nag-aalala na.
Parang na-guilty din ako dahil kung ano-ano na ang mga sinabi ko sa kaniya samantalang hindi ko pa alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa aming usapan.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Loyd.
"Okay lang. Natakot lang ako dahil tinutukan ako ng baril nung lalaki. Akala ko talaga ay papatayin niya ako. Naging pre-occupied ang isip ko at nakalimutan ko na ang tungkol sa usapan nating dalawa." ang saad ni Loyd.
"Huwag mo nang isipin iyong tungkol sa usapan natin. Hindi na ako galit sa iyo. Ang mahalaga lang ngayon e ligtas ka. Ang pera at cellphone ay napapalitan pa, pero ang buhay ng tao ay hindi." ang sabi ko.
"Bati na tayo?" seryoso nitong tanong sa akin.
"Ang sabi mo sa akin, marunong kang mag-bake ng cake. Baka kung ipag-bake mo ako ay hindi na ako magtampo sa iyo." nakangiti kong tugon kay Loyd.
"Iyon lang ba? Maliit na bagay. Sige, bukas na bukas ay ipagbe-bake kita ng cake." nakangiti nitong tugon sa akin.
"Loyd." tawag ko sa kaniya.
"Hmmm.." sagot niya.
"Huwag mo nang gagawin ulit na mag-aalala ako nang sobra ah? Alam mo bang maghapon akong inis na inis dahil hindi ko alam kung bakit hindi ka dumating." ang sabi ko.
"Sorry ulit. Promise hindi na kita pag-aalahanin pa." seryoso nitong sabi sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
ZAC'S POINT OF VIEW
"Bakit hindi ko alam na boyfriend mo na si Amos? Nililigawan din kita, hindi ba? Sana man lang nasabi sa akin para hindi na ako umaasa pa." ang seryosong sabi ni John.
"Isang buwan ko lang naman magiging boyfriend si Amos. Susubukan lang namin. Kung gustong-gusto ko na siya after ng one month, itutuloy namin iyong sa amin. Kung hindi naman at kaibigan pa rin ang tingin ko sa kaniya, hanggang doon na lang kami." paliwanag ko.
"Zac, akala ko ba nagkakaunawaan tayong dalawa? May nangyari na nga sa atin e. Akala ko magiging akin ka." ang inis na sabi ni John.
"Kaya nga sinasabi ko sa iyo ito ngayon. Kung sakali man na hindi kami mag-click ni Amos, edi sa iyo ko na lang ita-try." sagot ko.
"Zac, anong tingin mo sa nararamdaman ko? Sa nararamdaman ni Amos? Mga applications na may pa-free trial? Kung hindi mo nagustuhan ay hindi mo na ire-renew?" tanong ni John.
"Si Amos ang may gusto nito at hindi ako." sagot ko.
"Kung si Amos kayang magpaka-tanga at okay lang na saktan mo siya, ako hindi. Sabihin mo na lang sa akin kung gusto mo ako o hindi. Para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko." saad ni John.
"Hindi ko naman kayo gustong saktan o paglaruan. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko. Nililigawan mo ako, nililigawan ako ni Jason, nililigawan ako ni Amos. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko? Sobrang pressure na ako sa nangyayari. Wala akong gustong i-reject sa inyo dahil alam ko na parang hindi tama kung gagawin ko iyon. Parang hindi kaya ng konsensya ko na saktan kayo." paliwanag ko.
"Kaya naman ibibigay mo na lang sa amin ang sarili mo ng tig-isang buwan para kahit papaano e masabi na naging tayo?" tanong niya.
Hindi ako kumibo.
Bumuntong hininga si John.
"Titigil na lang ako. At least mababawasan na ng isa ang sakit ng ulo mo." ang sabi sa akin ng lalaki.
"John, I'm sorry. Hindi ko ito gustong gawin sa iyo." ani ko.
"Okay lang. Mas maiigi na ito. At least ay honest ka sa akin." sabi nito.
"Pwede pa rin ba kitang maging kaibigan?" tanong ko.
Ngumiti si John at saka nito hinawakan ang aking mga kamay.
"Kahit kaibigang may binispisyo pa ay okay lang sa akin."
Natawa naman ako.
"Sabi mo iyan ah." ani ko.
"So, okay lang sa iyo na mag-sex tayong muli?" tanong niya.
Tumango ako.
"Uy! Anong pinag-uusapan ninyo?" biglang singit ni Amos.
"Ah. Ipinapaliwanag ko lang sa kaniya iyong tungkol sa atin." sagot ko kay Amos.
Tumingin si Amos kay John.
"Cool lang, pare. Sa iyo si Zac, naiintindihan ko na iyon." nakangiting sabi ni John.
Ngumiti naman si Amos at pagkatapos ay umupo ito sa tabi ko. Dinampian ako nito ng halik sa aking kaliwang pisngi at pagkatapos ay humingi siya ng tawad dahil late na naman siya.
Nagpaalam na sa amin si John at kami na lang ni Amos ang natira.
Tumingin ako sa nobyo ko at saka sinabi na hindi naman niya kailangan na maging bitter kay John.
"Hindi ako bitter, nagseselos ako. Isang buwan ka lang sa akin kaya susulitin ko na ang lahat ng mga bagay na pwede kong maramdaman." sagot nito sa akin.
"Sus! Ano? Alis na tayo?" tanong ko.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong naman nito.
"Basta sumama ka na lang sa akin. Doon tayo sa parking lot. Puntahan natin ang sasakyan mo." sagot ko.
"Ah? Ayaw mong sabihin kung saan tayo pupunta, pero sasakyan ko ang gagamitin natin?"
"Hindi ba pwede?" tanong ko.
"Okay, sige. Tsk!" naiiling nitong sagot.
Tumungo na kami sa parking lot at sumakay na kami sa sasakyan niya. Sinabi ko ang lugar kung saan kami pupunta at kunot noo lang itong tumango sa akin.
Isang oras din bago kami nakarating ni Amos sa rest house na pagmamayari namin.
Nagtataka pa ito at pilit itinatanong kung ano ang ginagawa namin dito.
Umiling lang ako at sinabi na sumunod na lang siya sa akin.
Dinala ko sa may likuran ng bahay si Amos. Naka-ayos na ang lugar na ito at dito kami magdi-dinner na dalawa.
Hindi man ako ang nag-ayos dito, sinigurado ko naman na masusunod ang lahat ng gusto ko na mangyari rito.
Gulat si Amos nang makita ang paligid. Napa-wow pa ito at sinabi niya na maganda.
Na-upo na kaming dalawa at dumating na ang mga katulong para dalhin ang mga pagkain.
Lahat ng mga pagkain ay paborito ni Amos. Sinigurado ko na masasarapan siya sa mga ito. Sinigurado ko na magiging perpekto ang lahat.
"Para sa isang fake relationship, hindi ito pang bare minimum ah." nakangiting sabi ni Amos.
"Sino bang nagsabi na fake relationship ito? Seryoso ako sa pagpayag ko sa relasyon na ito kaya magiging seryoso rin ako sa iyo." ang sabi ko.
"Zac."
"Hmmm.."
"Thank you! Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko talaga inaasahan na gagawin mo ito. Alam kong mahilig ka sa cliché, pero hindi ko alam na romantic ka pala." ang sabi ng lalaki.
"Alam mo, kumain na lang tayo. Ang awkward ng ganito e." naiilang kong sabi.
"Kinikilig ka ba?" nakangisi nitong tanong.
Tinampal ko ang kanan na kamay nito.
"Ang kapal mo! Bakit naman ako kikiligin sa iyo?"
Yumuko ako at ngumiti.
Sa totoo lang e kinikilig talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman kay Amos, pero gusto ko ito.
"Uy! Bakit ka na-ngiti diyan? Kinikilig ka talaga ano?" malokong tanong sa akin ni Amos.
Sasagutin ko sana ang tanong na iyon sa akin ni Amos, ngunit natigilan ako. Bigla kasing tumunog ang cellphone niya at sabay kaming napatingin dito.
Nakita ko sa screen ng phone niya ang pangalan ni JD. Kaagad akong napakunot ng noo. Tumitig ako nang maiigi kay Amos.
"Bakit tumatawag sa iyo si JD?" tanong ko.
Nagkibit balikat ang lalaki.
"Amos." tawag ko sa kaniyang pangalan.
"Hindi ba ikaw dapat ang tinatanong ko nito? The last time na tumawag sa akin si JD ay tinatanong niya kung kasama kita. Kayo pa noon, hindi pa kayo nagkakahiwalay." sabi nito.
"Hindi ko batid na close pala kayo ni JD. Sana nasabi man lang ninyo sa akin na nagkakatawagan pala kayo para bantayan ako." inis kong sabi.
"Hindi ko gusto na maging sunod-sunuran sa ex mo okay? Nakiusap lang siya sa akin noon kaya tinulungan ko siya. Saka boyfriend mo pa siya noon, natural sasabihin ko kung nasaan ka." sabi nito.
"Sige na, kausapin mo na siya. Huwag mo na lang sabihin na magkasama tayo. Sabihin mo na lang ay hindi mo alam kung nasaan ako." ang utos ko kay Amos.
Tinanguan ako nito.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pagkatapos ay nakita kong sinagot niya ang tawag ni JD.
Napabuntong hininga ako.
Biglang nawala ang saya na nararamdaman ko kanina. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay pinagtataksilan ako ni JD o ni Amos.
Alam ko na hindi ko pa naaasikaso ang sa amin ni JD, pero alam ko na kailangan ko itong ayusin.
Desidido na ako at tatapusin ko na ang kung anong dapat tapusin sa aming dalawa.
Mahal ko pa rin naman siya hanggang ngayon, pero hindi na kami maaari pa. Hindi na namin pwedeng ipagpatuloy ang hindi pwede.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Amos.
Napatingin ako sa lalaki. Nginitian ko ito, tumango ako.
Ilang oras din ang lumipas at umuwi na rin kami ni Amos. Inihatid ako nito sa bahay at siya naman ay umuwi na rin sa kanila.
Si JD kaagad ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay. Napakunot pa ako ng noo dahil libre siyang nakapasok dito kahit hindi sila okay ni Daddy.
"Sabi ni Amos hindi niya alam kung nasaan ka. Bakit inihatid ka niya pauwi?" tanong ng lalaki sa akin.
"Bakit kailangan kong magpaliwanag sa iyo?" tanong ko naman.
"Boyfriend mo ako at hindi ko nais na nakikipagkita ka sa ibang lalaki." inis nitong sabi. "Malay ko ba kung ano ang ginawa ninyong dalawa." dagdag pa niya.
"Hindi mo ako boyfriend, hiwalay na tayo. Hindi na kita babalikan." sagot ko. "At huwag mo akong itulad sa iyo na kung kani-kanino nakikipagtalik."
"Zac!" inis nitong tawag sa akin.
"Umalis ka na, baka makita ka pa ni Daddy." ani ko.
"Hindi ako aalis dito. Sabihin mo muna sa akin kung saan kayo galing ng Amos na iyon." inis nitong turan.
"Kagaya ng sinabi ko sa iyo kanina, hindi ko kailangan na magpaliwanag sa iyo. Hindi ko na gustong magkaroon pa ng ugnayan sa iyo, ayaw ko na." sabi ko.
"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya.
Napalunok ako ng aking laway.
Tinitigan ko nang maiigi si JD. Ipinarating ko sa lalaki na seryoso ako. Gusto ko na malaman niya na wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Kahit na alam ko naman na hindi iyon totoo.
"Umalis ka na. Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa iyo." ang sabi ko.
"Zac naman." ani nito.
"Kung para sa iyo e mag-boyfriend pa rin tayo, pwes ngayon ay lilinawin ko na. I'm breaking up with you. Sawa na ako sa mga panloloko mo, sa mga dahilan mo, sa pagiging toxic mo. Mas magiging magaan ang buhay ko kung wala ka. I really hate myself dahil nagpakatanga ako sa iyo ng mahabang panahon. Dapat noon ko pa nakita na gago ka. Masyado akong nagpabulag sa iyo, sa pagmamahal ko sa iyo. But now, gising na ako. It doesn't matter kung mahal pa rin kita o hindi. Ang mahalaga lang sa akin para ngayon ay makalaya na mula sa iyo." ang mahaba kong sabi.
Nakita kong tumulo ang mga luha ni JD, pero kaagad niya rin itong pinunasan.
Tumango-tango siya at pagkatapos ay sinabi niyang naiintindihan niya ang desisyon ko.
Humingi rin siya sa akin ng tawad. Sa lahat ng pananakit niya sa akin. Sa mga panloloko niya. Sa lahat-lahat.
Nagpaalam na si JD habang ako naman ay naglakad na patungo sa aking silid.
Nakasalubong ko pa si Daddy, ngunit tumingin lang ito sa akin at walang sinabi.
Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Pumasok na ako sa kwarto ko at mabilis na humiga sa aking kama.
Sobrang bigat ng dibdib ko, parang sasabog ito.
Hindi ko gusto ang ginawa ko kanina kay JD. Hindi ko talaga gustong makipaghiwalay sa kaniya. Mahal na mahal ko siya at sa tingin ko ay wala nang makakatumbas pa roon.
Ngunit hindi maaari ang kung ano man ang mayroon kaming dalawa. Masasaktan niya ako at masasaktan ko rin siya.
Mas okay na siguro itong ganito. Makakalimot din siguro ako, maghihilom din ang sugat na ito.
Marahil ay hindi na magiging kami pang muli, ngunit alam ko na parati siyang mananatili rito sa aking puso.
Magiging masaya man siguro ako kay Amos, ngunit hindi ko alam kung magiging kasing saya ito kapag si JD ang kasama ko.
Hindi fair na ikumpara ko sila. Marahil ay masama rin itong aking ginagawa.
Ginagamit ko si Amos upang makawala ako sa pagkakatali. Sa pagkakatali ko kay JD at sa kaniyang pagmamahal. Pagmamahal na hindi ko alam kung totoo nga ba dahil hindi ako ang nasa isip niya tuwing ako ay kasama niya.
itutuloy ...
CAST
STARRING
PSY TOLENTINO AS ZAC RIVERA
WITH
VERN ONGAS JD RIVERA
GUEST STARRING
GELO RIVERA AS JASON HERNANDEZ
GUEST STARRING
DANIEL MERCADO AS LOYD RIVERA
GUEST STARRING
GILLY NATAWANAN AS JOHN DIZON
GUEST STARRING
CHARLES GABRIEL CANDELON AS AMOS DE SANTA ANA
GUEST STARRING
AJ DEEAS JAMESON HERNANDEZ
Comments
Post a Comment