DANCE IN THE DARK SIXTEEN
DANCE IN THE DARK: ZAC — CHAPTER SIXTEEN
ZAC'S POINT OF VIEW
"Ahhhhhhhhhh! Amos ang lalim ng butas mo!" puno ng libog na sabi ko habang tinitira ko sa pwet ang aking nobyo.
Inihilig ko ang aking katawan sa kaniyang likuran. Dinilaan ko ang kaniyang kanan na tenga, kinagat ito.
Mas bumilis ang aking mga paggalaw. Naririnig ko ang malalakas na mga ungol ni Amos. Humihiling ito sa akin na diinan ko pa.
Nakaramdam ako ng mas mainit na pakiramdam. Parang akong bulkan na nagbabadya nang sumabog.
Hindi ko na mapigilan. Pumutok ang lahat, nagkalat sa loob ng pwerta ni Amos.
Sobrang init, sobrang lagkit.
Libog na libog ako.
Hindi ko itinigil ang pagkatya sa pwerta ng aking nobyo kahit na nilabasan na ako.
Mas nanggigil ako, mas naging agresibo.
Naramdaman ko na tumigas lalo ang aking ari. Handa na naman ito sa mahabang laban.
Dinilaan ko ang batok ni Amos, pinaghahalikan ito.
Humarap siya sa akin at ang aming mga labi ay unti-unti na namang nagtagpo.
Mainit ang pasahan namin ng laway. Bawat parte ng kaniyang bibig ay aking kinakain.
Uhaw na uhaw ako sa kaniya. Baliw na baliw.
Mahal na mahal ko si Amos at handa ko itong ipagsigawan sa buong mundo.
Sa pangalawang pagkakataon ay pumutok na naman ang katas ko sa loob niya.
Sa pagkakataon na ito ay tumigil na ako.
Pagod na ako at nanglalambot.
Humihingal akong nahiga sa tabi niya. Tinitigan ko siya nang maiigi at muli na namang hinalikan.
Matapos iyon ay ipinikit ko na ang aking mga mata. Matutulog muna ako at bukas ay panibagong araw na naman ang aking kalalabanin.
NINE HOURS LATER
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Wala na sa tabi ko si Amos at marahil ay kanina pa ito gising.
Bumangon na kaagad ako at nagtungo sa banyo. Naghilamos na ako at saka nagsupilyo.
Madali kong hinanap ang aking nobyo at nakita ko ito sa may salas kasama si Keito, at si Vladimir.
Napatingin ang lahat sa akin, nakangiti.
Binati kaagad ako ni Amos at dinampian ng halik ang aking mga labi.
Si Keito naman ay tinanguan lang ako. Habang si Vladimir ay nakatitig sa akin at nakangiti.
Bumalik na naman ang kakaibang nararamdaman ko sa lalaking ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagiging ganito. Naguguluhan ako.
"Hi!" bati sa akin ni Vladimir.
"H-hi!" sagot ko naman.
Na-upo ako sa tabi ni Amos. Nakatingin pa rin ako kay Vladimir. Tinitignan kung ano nga ba talaga ang ugnayan ko dito.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Amos.
Napatingin ako sa aking nobyo. Kaagad akong ngumiti at pagkatapos ay tumango.
"Saan ba kayo ngayon?" tanong ni Vladimir sa amin.
Ngumiti si Amos at pagkatapos ay sinabi niya ang mga lugar na balak naming puntahan ngayon.
Masayang-masaya ang aking nobyo habang sinasabi nito ang mga plano namin.
Ilang sandali pa, umalis na rin kami. Nagulat pa ako nang malaman ko na sasama pala sa amin si Vladimir.
Alam ko na ito ang may-ari ng bahay na aming tinutuluyan, pero hindi ko alam na makakasama namin ito hanggang sa mga paglabas namin.
Nakarating kami sa isa sa mga lugar na gusto naming puntahan. Dapat masaya ako at excited, pero naiinis ako.
Noong una ay sumama sa amin si Keito. Ngayon naman ay may isa na namang chaperone. Pakiramdam ko tuloy ay si Daddy din ang dahilan kung bakit kasama namin si Vladimir ngayon.
Nakasimangot ako sa buong maghapon na paglabas namin. Napagod ako at nairita.
Sabik na sabik na akong pumasok sa kwarto namin ni Amos nang maka-uwi na kami.
Wala na akong pakialam sa iba ko pang mga kasama. Ang gusto ko na lang ay makapagpahinga.
"Napagod ka ba?" tanong ni Amos sa akin.
"Oo." sagot ko.
"Wala ka ba sa mood?" tanong nito.
"Bakit kailangan na kasama si Vladimir sa mga lakad natin? Nakabuntot na nga sa atin si Keito ngayon may isa pa." inis kong sabi.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit maghapon kang nakasimangot?" tanong niya.
"Mali ba na mainis ako? Para sa ating dalawa ang bakasyon na ito at hindi sa kanila." sabi ko.
Umupo sa tabi ko si Amos at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanan kong kamay.
Tinitigan niya ako nang mabuti at pagkatapos ay sinabi niya na huwag na akong masyadong mainis.
Kahit may kasama raw kaming iba, ang isipin na lang namin ay magiging masaya pa rin kami dahil kasama namin ang isa't isa.
Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa pagiging romantiko ng lalaking ito.
Napangiti na lang ako at sinabi sa kaniya na okay na ako.
Malalim na ang gabi nang bigla akong magising. Lumabas ako ng aming silid at mabilis na tumungo sa kusina para uminom ng tubig.
Pabalik na sana ako sa kwarto namin ni Amos nang makarinig ako nang mga halinghing na nanggagaling sa may gilid nitong bahay.
Kaagad kong pinuntahan ang may gilid ng bahay at palihim na tinignan kung ano ang nangyayari doon.
Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nagpapakantot ang kapatid kong si Keito kay Vladimir.
Hindi ko inaakala na pumapatol din pala ang mokong na ito sa kapwa niya lalaki.
Hindi ko inaakala na sa ganito kaikli na panahon ay makukuha niya kaagad ang haliparot kong kapatid na si Keito.
Napailing na lang ako.
Hindi ko naman sila maaaring pigilan. Hindi na sila bata at pareho na silang nasa tamang edad para magdesisyon para sa mga sarili nila.
Umalis na lang ako sa lugar na iyon. Naaakit kasi ako na titigan ang katawan ni Vladimir at hindi ko iyon maaaring gawin. Parang nagtaksil na rin ako kay Amos kapag ginawa ko iyon.
Bumalik ako sa silid namin at muling natulog.
Kinabukasan ay namamaga ang aking mga mata. Puyat kasi ako at pagkatapos ay sabay pang nagkakuliti ang aking mga mata.
Napapaputang ina na talaga ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito. Hindi ko alam kung anong nangyari at nagkaganito. Baka may nakain ako. Baka may nailagay ako na hindi dapat. O baka naman totoo iyong kasabihan na kapag nanilip ka e magkakakuliti ka.
Putang ina!
Kung ano man ang totoo sa mga bagay na iyon, hindi ko gusto ang magkakuliti.
Alam ko na aasarin ako ng mga kasama ko. At kung hindi kaagad mawawala ang mga ito, baka madala ko pa ito hanggang sa pag-uwi namin sa Pampanga.
"Okay ka lang?" tanong ni Amos sa akin.
"Ah? Ano-ano kasi." naiinis kong sagot.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" gulat nitong tanong sa akin.
"May mga ipis ata rito, Amos. Kinagat siguro ako." sagot ko.
"O baka naman sinilipan mo ako kagabi habang naliligo ako?" nakangisi nitong tanong sa akin.
Binatukan ko si Amos.
"Aray! Bakit ka ba nananakit?" tanong nito.
"Bakit naman kita sisilipan e nakita ko na iyan? Saka nagtalik pa tayo kagabi." saad ko.
"Baka naman sobra ka lang nasarapan sa akin. Napasobra sa tirik ang mga mata mo." ani nito.
"Puro ka kalokohan. Ang mabuti pa e tulungan mo na lang akong maghanap ng clinic sa lugar na ito. Mas maiigi nang ipatingin ko ang mga ito kaysa sa kung ano pa ang mangyari." ang saad ko.
Naligo na ako at saka na kami lumabas ng kwarto ni Amos.
Gulat na gulat si Keito nang makita ang mga mata ko. Naririto rin si Vladimir at kahit ito ay parang nagtatanong sa kung ano ang nangyari sa akin.
Nakasimangot akong na-upo at inumpisahan nang kumain.
Kakain sana ako ng pritong itlog nang pigilan ako ni Amos dahil malansa raw ito at baka mas lumala ang aking mga mata.
Hindi naman ako nagpumilit dahil ayaw ko rin naman na mas lumalala pa itong nangyayari sa akin.
Pagkatapos kumain ay tumungo na kami kaagad nina Amos sa isang clinic. Napatingin ako rito at binigyan nila ako ng gamot na maari kong inumin para mawala kaagad ang pamamaga ng aking mga mata.
Dahil sa kalagayan ko ay hindi na ako sumama pa kina Amos sa paglilibot. Gusto pa sana nito na bumalik na lang din sa bahay kasama ako, pero hindi ako pumayag.
Nais ko kasi na mag-enjoy siya at huwag masira ang araw nang dahil sa akin.
Nakahiga na ako sa kama nang biglang may mag-doorbell. Maiinis pa sana ako kay Amos o kay Keito dahil iniistorbo pa ako ng mga ito, pero naalala ko na may susi nga pala sila.
Kung sila ang nasa labas, sigurado na hindi na magdo-doorbell ang mga ito at diretcho na papasok na lang.
Bangon ako. Lumabas ako ng kwarto at tinungo kaagad ang may gate. Binuksan ko ang maliit na pintuan nito at nakita ko kung sino ang nagdo-doorbell.
"Vlad." tawag ko sa lalaki.
"Hi!" nakangiti nitong bati sa akin.
"Hindi ka sumama kina Amos?" tanong ko.
"Actually, sumama ako. Kaya lang ay bigla akong tinawagan ng isa sa mga tenants kaya umuwi rin ako." sagot nito.
"May kailangan ka sa akin?" tanong ko.
"Ah, hindi. Tatanungin ko lang sana kung okay ka lang. Nagdala na rin ako ng pagkain na hindi malansa. Hindi mo na kailangan pang magluto." nakangiti nitong sagot sa akin.
Ngumiti rin naman ako sa kaniya.
"Thank you." ani ko at saka kinuha ang pagkain na dala niya.
Tumango-tango naman ito at nagsabi na aalis na.
Bago pa maka-alis ang lalaki ay tinawag ko na ito. Sinabi ko na hindi ko naman mauubos ang pagkain na ibinigay niya kaya sabay na namin itong kainin.
Pinahintulutan naman ako ni Vladimir. Pumasok kami sa loob ng bahay, dumiretcho sa dinning room at naghanda na ng mga gagamitin sa pagkain.
"Okay na ba ang mga mata mo?" ang tanong sa akin ni Vladimir.
"Huwag mo na akong alahanin. Kumain na lang tayong dalawa." nakangiti kong sabi sa lalaki.
Tumango naman ito.
Naubos namin ang pagkain at pagkatapos ay nagkwentuhan kami nito. Kung ano-ano ang mga napagkwentuhan namin nito, kung ano-ano ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya.
May anak na pala ito at halos kasing edad ko lang daw ito. Ang problema lang daw ay hindi niya ito nakilala dahil inilayo ng nanay nito ang anak nila.
Nalungkot ako para kay Vladimir. Kita ko kasi sa mga mata niya na nasasaktan siya. Nakikita ko kasi na nais niyang makilala ang kaniyang anak.
"Hindi mo ba siya hinanap?" tanong ko.
"Hinanap ko syempre. Mahigit eighteenth years ko na silang hinahanap." sagot nito.
"Hindi sa nakikialam ako ah. Pero bakit inilayo nung babae ang anak ninyo?" tanong ko.
Ngumiti si Vladimir.
"Babaero ako noong araw. Kahit matagal ko nang nobya ang babaeng naging ina ng anak ko, parati pa rin akong nangangaliwa. Isang araw ay nawala na lang ang mag-ina ko. Mula noon ay hindi ko na sila nakita pang muli." malungkot na sagot sa akin ni Vladimir.
Bumuntong hininga ako.
Nahabag ako kay Vladimir. Gusto kong sabihin na kasalanan naman niya kaya iniwan siya ng mag-ina niya, pero hindi ko iyon ginawa.
Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi. Heto ang nakikita ko ngayon kay Vladimir.
He's a successful businessman, pero hindi ko nakikita na masaya siya. Malungkot ang kaniyang mga mata at kahit na madalas siyang ngumiti ay alam kong pakitang tao lang ito.
Madami pa kaming napagkwentuhan ni Vladimir tungkol sa mag-ina niya. Nasabi nito na taga Pampanga pala sila dati, pero lumipat siya dito sa Baguio para malimot ang pagkasawi ng kaniyang puso.
Hindi na rin daw siya muling nagmahal dahil natakot na siyang maiwanan muli. Naging malamig siya sa lahat ng tao at hindi rin daw niya maintindihan kung bakit sobrang bait niya sa mga kasamahan ko lalo na sa akin.
"May kakaiba akong nararamdaman para sa iyo. Magaan ang loob ko sa iyo. Parang may something na hindi ko maintindihan." sabi nito.
"Ganiyan din ang nararamdaman ko para sa iyo." sagot ko.
"Alam ko. Nasabi mo na ito sa akin. Iniisip ko na lang na baka nagkataon lang ito." nakangiti niyang sabi.
"Vlad, may itatanong ako sa iyo." ani ko.
"Hmmm..." sagot niya.
"Hindi ka na ba muling umibig? Sinabi mo na hindi ka na nagmahal muli dahil takot kang masaktan, pero parang imposible naman ito. Alam ko na may nagustuhan ka rin. Siguro hindi mo lang ini-entertain." sabi ko.
"Mali ka. Totoo na hindi na ako umibig muli. Inilalayo ko ang loob ko sa lahat ng tao. Hindi ako nagiging malapit sa mga ito." sagot niya.
"Grabe ka naman. Ikinulong mo na talaga ang sarili mo sa nakaraan mo." saad ko.
"Wala e. Sobra akong nagsisisi sa mga nagawa ko noon. Hanggang ngayon e hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Sa katunayan e ikaw pa lang ang unang tao na napagsabihan ko ng mga bagay na ito." ang saad niya.
"Hindi ka ba naiilang na sinasabi mo ito sa akin?" tanong ko.
"Hindi." nakangiti nitong sagot. "Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa e."
Tumango-tango ako.
Ilang minuto rin kaming nanahimik nito at nagkakatitigan lang.
"May nakakatalik ka naman?" tanong ko.
Napatitig nang maiigi sa akin si Vladimir.
"Alam mo ang tungkol sa amin ni Keito, ano?" seryosong tanong ni Vladimir.
Tumango ako.
"Apat na beses na kaming nagtalik ni Keito simula nang pumunta kayo rito. Si Keito ang kauna-unahang nakatalik ko sa loob ng mahabang panahon." saad nito.
"Pumapatol ka ba talaga sa lalaki?" tanong ko.
"Hindi naman madalas. Noong binata ako may ilan-ilan na rin. Saka ngayon si Keito." sagot niya.
"Nasarapan ka ba kay Keito?" tanong ko.
"Ang dami mo namang tanong." nakangiti nitong wika sa akin.
Napalunok ako ng aking laway. Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Nagkukwentuhan naman tayo e. Kaya itinatanong ko na. Ikaw na rin ang nagsabi, hindi ka naman madalas makipag-usap sa ibang tao. Baka hindi ka na maging ganito sa akin mayamaya." ani ko.
"Okay lang. Basta para sa iyo e magiging warm ang ugali ko." anang lalaki.
"Ay! Sus! Nagtatanong-tanong lang naman ako e." sabi ko.
"Naka-apat na kami ni Keito. Sa tingin ko e alam mo na ang sagot ko doon." ani nito.
Tumango-tango ako.
Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng selos. Parang iniisip ko na mas deserving ako kaysa sa kapatid kong si Keito. Parang naiinggit ako na nakikipagtalik siya sa aking kapatid. Alam ko na mali itong nasa utak ko ngayon, pero hindi ko maiwasan na ganito ang aking maging isipin.
"Vlad, nandidito ka pala."
Sabay kaming napatingin ni Vladimir sa pinanggalingan ng boses. Sa may likuran namin, nakatayo sina Keito at Amos.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at mabilis kong nilapitan si Amos.
"Andito na pala kayo. Nag-enjoy ba kayo sa pag-iikot?" tanong ko.
"Ako hindi gaano. Wala ka kasi sa tabi ko kaya wala akong gana. Heto namang kasama ko si Keito, parang may sariling mundo. Hindi na natapos-tapos ang kausap niya sa cellphone niya. Para tuloy na mag-isa lang ako. Kaya inaya ko na siya na umuwi na lang." ang mahabang sagot sa akin ni Amos.
"Papasok na ako sa silid ko." paalam sa amin ni Keito.
Napatingin lang ako kay Keito. Halata rito na umiiwas siya kay Vladimir. Si Vladimir naman ay pansin ko na umiiwas din sa sitwasyon na ito.
Binati ko si Amos. Kung ano-ano ang mga itinanong ko rito at pinagaan ko ang sitwasyon.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nagpaalam na rin si Vladimir. Nagdahilan ito na may aasikasuhin muli. Alam ko na hindi iyon totoo. Alam ko na umiiwas lang siya sa awkward na sitwasyon na kasama si Keito.
"Hindi na gaanong namamaga ang mga mata mo." anang Amos at saka ito naupo sa aking tabi.
"Ah-ano, oo." sagot ko naman.
"Okay ka na ba?" tanong sa akin ni Amos.
Tumango ako.
"Anong iniisip mo?" tanong niya.
"Wala." sagot ko.
"Pwede ba naman iyon?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Wala nga." naiinis ko nang sabi.
"Ano nga kasi? Para gumaan na ang nararamdaman mo." ang sabi nito.
"Amos, bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko nang wala kaya wala!" galit kong turan sa kaniya.
"Teka, nilalambing lang naman kita ah. Hindi mo naman kailangan na magalit sa akin." mahinahon nitong sabi.
Bumuntong hininga ako.
Tumingin ako kay Amos at saka ako humingi ng tawad sa kaniya.
"Masama lang ang pakiramdam ko. I'm sorry, hindi kita sinasadyang sigawan." sabi ko.
"Doon ka muna sa kwarto natin. Magpahinga ka na lang." anang Amos sa akin.
"Nagugutom ka ba? Ipaghahanda na muna kita ng makakain." ang sabi ko.
"Huwag na. Kaya ko naman kaya ako na lang." malamig nitong sagot sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Amos.
"Huwag ka nang magalit. Sorry na." malambing kong sabi.
Bumuntong hininga ito at saka siya tumitig nang maiigi sa akin.
"Okay, nainis lang din ako. Ngayon mo lang kasi ako sinigawan." saad niya.
Inilapit ko ang aking mga labi sa mga labi ni Amos at hinalikan ko siya. Tumugon ng halik sa akin ang aking nobyo. Nagkatitigan kami nito at nagkangitian.
VLADIMIR'S POINT OF VIEW
Hindi mawala-wala sa isip ko si Zac. Naiinis na ako at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari, pero hindi ko naman maipaliwanag kung ano.
"Sino ka ba talaga, Zac? Bakit ginugulo mo ang isip ko?" mahina kong sabi.
Napa-iling ako.
Naglakad ako patungo sa aking silid. Kinuha ko ang twalya at saka na dumiretcho sa banyo.
Naghubad ako ng aking mga damit at pagkatapos ay tumungo na sa shower area. Ibinabad ko ang katawan ko sa malamig na tubig na lumalabas mula sa shower. Sobrang sarap maligo, nakaka-relax talaga.
Bigla na namang dumating sa isip ko si Zac. Napa putang ina ako. Naramdaman ko na nag-init ang aking katawan. Tumigas ang aking ari. Matigas na matigas.
Hinawakan ko ito. Marahan kong binayis. Ipinikit ko ang aking mga mata. Inisip ko na subo-subo ni Zac ang katigasan ko. Chinuchupa niya ako. Nagpapakasarap siya sa akin.
Mas lalong nag-init ang aking katawan. Napapa-ungol na rin ako nang malakas.
Ilang minuto rin akong naglalaro sa aking sarili hanggang sa labasan na ako ng katas.
Inimulat ko ang aking mga mata. Napa iling ako.
"Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ko pinagbabayisan si Zac?" mahina kong tanong sa aking sarili.
Tinapos ko ang aking pagligo. Nagbihis ako at saka na nahiga sa aking kama.
Matigas pa rin ang aking ari. Naiinis ako. Kung ano-ano na ang aking iniisip, pero nalilibugan pa rin talaga ako kay Zac.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin at naging ganito ang tama ko sa kaniya.
Muli kong hinawakan ang aking ari. Muli ko itong binayis hanggang sa labasan na naman ako ng katas.
ZAC'S POINT OF VIEW
Gabi na nang magising ako. Wala na sa tabi ko si Amos. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Lumabas ako ng kwarto at kaagad kong hinanap ang aking nobyo.
Nakita ko sina Amos at Keito sa may pool area at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nakita ko kasi na pareho silang umiiyak, pero kaagad silang nagpunas ng kanilang mga luha nang makita ako.
"Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong nang makalapit na ako sa mga ito.
"Ah wala." sagot ni Amos na pinupunasan pa rin ang kaniyang mga luha.
"Anong wala? E pareho kayong umiiyak." sabi ko.
"Ano kasi kuya nagkwu-kwentuhan lang kami ni Amos, tapos napunta doon sa isang pelikula ang usapan namin. Iyong A Star Is Born nina Lady Gaga at Bradley Cooper. Nakakaiyak kasi iyon. Kaya naiyak kami nitong si Amos." sambit ni Keito.
"Hoy! Kayong dalawa ah, hindi naman ako bata para utuin ninyo. Hindi ninyo ako mapapaniwala sa dahilan ninyo. Magsabi na kayo ng totoo bago pa kung saan-saan mapunta ang iniisip ko." inis kong sabi sa mga ito.
"Napaka-seloso mo. Hindi ko aagawin sa iyo si Amos. May ikinu-kwento lang ako sa kaniya tungkol sa love life ko. Sinaktan kasi ako ng huli kong boyfriend. Iyak ako nang iyak tapos nahawa ata itong si Amos kaya umiyak na rin." sabi ni Keito sa akin.
Mukhang totoo naman ang sinasabi ni Keito kaya bumenta na ito sa akin. Naniwala na ako sa kaniyang idinadahilan.
Umupo ako sa pagitan nila. Tinitigan ko nang maiigi si Keito.
"Bakit hindi ko alam ang tungkol sa nobyo mong ito?" tanong ko sa kapatid ko.
"Kasi tago ang relasyon namin. Hindi kasi siya out sa family niya kaya nais niya na walang maka-alam nito." ang sagot ni Keito.
"Kahit sa amin bawal sabihin?" tanong ko.
"Ganoon ata talaga kapag mahal mo kuya. Kahit ano man ang hilingin niya sa iyo e gagawin mo. Kahit na labag sa loob mo ay gagawin mo." ang seryosong sagot ni Keito.
"Keito, I'm sorry. You deserve better." mahinahon kong sabi.
"Alam ko na iyan ngayon, kuya. At least natuto ako ng leksyon." nakangiti pero malungkot na sabi ni Keito.
Tumango-tango ako.
"Sige, iwanan ko muna kayo." ang sabi ni Keito at pagkatapos ay tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at umalis.
Nang kami na lang dalawa ni Amos, hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa akin at naging tahimik ako.
Marami akong nais na itanong kay Amos, ngunit hindi ko magawa.
"Bakit?" tanong ni Amos sa akin.
"Wala." sagot ko.
"Hindi naman ako bata para utuin mo ako." nakangising sabi sa akin ni Amos.
Napangiti na rin ako.
"Sa totoo lang e nagselos kaagad ako nang makita ko kayo ni Keito na magkasama. Alam ko na wala namang namamagitan sa inyong dalawa, pero ganoon pa rin ang naramdaman ko." ang mahina kong sabi.
"Sorry." maikling sabi ni Amos.
Umiling ako.
"Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman maaaring sabihin sa sarili mo na hindi mo dapat gawin ang ganito o ganiyan. Naniniwala ka na mahal kita at hindi kita lolokohin, okay na iyon sa akin." sambit ni Amos.
"Amos. May sasabihin ako sa iyo." seryoso kong ani.
"Ano iyon?" tanong ng aking nobyo.
"Hindi na lang trial itong sa atin, hindi ba? I mean, boyfriend na talaga kita at hindi tayo magkakahiwalay after one month."
"Seryoso ka ba?" tanong nito.
"Hindi mo ba gusto? Hindi ba clear sa iyo na mahal na mahal na rin kita?" ang mga tanong ko sa kaniya.
"Naninigurado lang ako. Hindi ko lang kasi gusto na ginagawa mo ito dahil naaawa ka sa akin." ang sabi ni Amos sa akin.
"Alam mo ang drama mo. Sa kakanood mo iyan ng boys' love e." nakangiti kong sabi.
"I love you." mahinang sabi ni Amos.
"I love you too. Ayan sigurado ka na ah." natatawa kong sagot sa kaniya.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Bumyahe na kami pabalik sa Pampanga at pagkauwi na pagkauwi ay natulog kaagad ako.
Pagod na pagod kasi ako sa totoo lang ay hindi pa maayos ang pakiramdam ko.
Nanghihina pa rin ako at parang mas gusto ko na muna na mamalagi rito sa aking kwarto.
KEITO'S POINT OF VIEW
"Daddy, hindi ko sasabihin kay Kuya Zac. Ano ka ba?" naiinis kong sabi.
"Malalaman din naman niya." ang sagot sa akin ni Daddy.
"Edi malaman niya. Sigurado na tatawag naman ang family ni Amos para sabihin sa kaniya." ani ko.
"Anak naman. Gusto mo ba talaga na ganoon malaman ni Zac ang nangyari kay Amos?" tanong ni Daddy sa akin.
"Hindi. Kaya lang ay alam mo naman na natatakot ako kay kuya, hindi ba? Ikaw na lang kasi ang magsabi. Kapag ikaw kasi ay magiging kalmado pa iyon kahit papaano." ang saad ko.
"Kahit sino pa ang magsabi sa atin ay hindi magiging kalmado si Zac. Masasaktan at masasaktan siya sa kalagayan ni Amos." ang sabi ni Daddy.
"Anong sasabihin?"
Halos manginig ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ni Kuya Zac.
Nagkatitigan kami ni Daddy at kahit siya ay natahimik.
"Anong sasabihin ninyo sa akin na hindi ninyo masabi-sabi?" tanong ulit ni Kuya Zac sa amin.
Nilapitan kami ni Kuya Zac at pagkatapos ay itinanaong na naman nito ang itinatanong niya sa amin.
"Ano? Walang sasagot sa inyo?" tanong ni Kuya Zac sa amin.
"Kuya, ano kasi e." nagkakamot ulo kong tanong.
"Ano nga?" pasigaw na tanong ni kuya sa amin.
"Si Amos." si Daddy na ang nagsabi.
"Anong nangyari kay Amos?" kinakabahan na tanong ni Kuya Zac.
"Si Amos, may cancer. Nasa ospital siya ngayon. Malala na ang lagay." si Daddy.
"Ah? Papaanong mangyayari iyon e kasama ko lang si Amos kanina?" tanong ni Kuya Zac sa amin.
"Matagal nang may sakit si Amos. Mahigit dalawang taon na." ang mahina kong sabi.
"Alam mo ang tungkol sa bagay na ito?" tanong ni Kuya Zac sa akin.
"Sinabi niya lang sa akin kagabi. Nang nakita mo kaming nag-iiyakan, iyon ang pinag-uusapan namin. Inihahabilin ka sa akin ni Amos. Alagaan daw kita at palaging babantayan." sagot ko.
Tumulo kaagad ang mga luha ni Kuya Zac. Humahagulgol na ito sa pag-iyak at kahit may sinasabi siya ay hindi na namin maintindihan.
Awang-awa ako sa aking kapatid, ngunit hindi ko naman alam kung papaano papawiin ang sakit na nararamdaman niya.
Tama si Daddy. Kahit na ano pa ang gawin namin, kahit sino pa ang magsabi, ang sakit na mararamdaman ng kapatid ko ay mananatiling iisa.
Niyakap ko nang mahigpit si Kuya Zac at pagkatapos ay sinabi ko rito na kumalma siya. Kailangan na naming pumunta ng ospital para madalaw niya si Amos.
Dali-dali na pinunasan ni Kuya Zac ang mga luha niya at pagkatapos ay nagpaalam ito na magbibihis lang.
Habang nasa biyahe na kami patungo sa ospital, muli na namang umiyak ang aking kapatid. Ginawa ko ang lahat para mapatahan ko ito, pero parang naging bingi na siya at hindi na nakikinig sa akin.
Sinabi ko na lang kay Daddy na bilisan niya ang pagmamaneho para maaga na kaming makarating sa ospital.
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang bigat ng aking nararamdaman. Parang may mali, parang may mangyayari na hindi maganda.
Natatakot ako sa aking nararamdaman, takot na takot.
Nang makarating kami sa ospital ay nakita namin ang parents ni Amos na umiiyak.
Doon pa lang ay hindi na kinaya ni Kuya Zac. Nawalan ito ng malay kaya naman dali-dali na rin namin siyang inadmit dito sa ospital.
"Bantayan mo muna ang kapatid mo. Tutulungan ko lang ang parents ni Amos. Baka may kailangan ang mga ito." ang paalam sa akin ni Daddy.
Tumango ako.
Habang tinitignan ko si Kuya Zac ay hindi ko maiwasan na maiyak. Nararamdaman ko rin kasi ang sakit na nararamdaman nito ngayon.
Hindi ko alam kung papaano siya babangon sa napakalaking pagsubok na ito.
itutuloy ...
STAY
BY CAROL BANAWA
I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality?
And now I must move on
Tryin' to forget all the memories of you near me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on
I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality? Ooh
And now I must move on
Tryin' to forget all the memories of you near me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality?
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all?
Why did you have to leave me
When you said that dreaming was as good as reality?
I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
I want to stay
But I have to go my way, hmm
CAST
STARRING
PSY TOLENTINO AS ZAC RIVERA
STARRING
KEVIN CACANADO AS CHAD RIVERA
STARRING
CARLO DIVINAGRACIA AS KEITO RIVERA
WITH
OLIVER MOELLER AS VLADIMIR SARMIENTO
GUEST STARRING
CHARLES GABRIEL CANDELON AS AMOS DE SANTA ANA
Comments
Post a Comment