DANCE IN THE DARK SIX

 


DANCE IN THE DARK: ZAC — CHAPTER SIX





ZAC'S POINT OF VIEW

Birthday ni Oliver at invited ako. Wala sana akong balak na pumunta dahil wala ako sa mood, pero napilitan ako nang sunduin ako ni Jiyu sa bahay namin.

Ani nito, màtampuhin daw si Oliver at kapag nainis siya sa iyo ay matagal talaga bago ka niya pansinin muli.

Gusto ko sanang sabihin na "Anong pake ko? hindi naman kami mag-kaibigan, hindi naman kami close." Ngunit hindi ko na ginawa dahil baka si Jiyu naman ang magalit sa akin.

Sandali lang at narating na rin namin ang bahay nina Oliver. Malaki ang bahay nila, mayaman na mayaman sila.

Sobrang dami rin ng mga bisita at hindi ko inaakala na ganito ang dadatnan namin.

Kung alam ko lang na fiestahan pala ang pupuntahan ko, hindi na talaga ako sasama pa dahil hindi ako ganoon ka-okay sa may maraming tao.

Hinanap ni Jiyu si Oliver habang ako naman e naiwan sa may sulok.

Mayamaya pa, nagulat na lang ako nang may umakbay sa akin. Napatingin ako dito at nakita ko si John, nakangiti ito sa akin.

"Sinong kasama mo?" tanong ni John sa akin.

"S-si Jiyu." nahihiya kong tugon sa lalaki.

"Sama ka na sa akin, doon tayo sa table namin. Baka naroroon na rin si Jiyu at nakalimutan ka nang nandidito ka dahil may nakita ng magandang babae." nakangiti nitong sabi sa akin.

Hinawakan ni John ang kanan kong kamay at hinila na niya ako sa kung saan.

Sandali lang naman iyon dahil kaagad din naming nakita sina Jiyu, si Oliver at si Lance.

Nakatingin ang tatlo sa amin at kita ko sa mga mukha nila ang mood na hindi ko maintindihan.

Na-upo ako sa tabi ni John at ni Lance. Sobrang awkward ng nararamdaman kong ito at nais ko talaga na umuwi na lang.

Kung maaari nga lang talaga na gawin iyon, uuwi na lang talaga ako.

"Nagugutom ka na ba?" tanong sa akin ni Oliver.

"A-ah ano, Happy Birthday." nahihiya kong sabi kay Oliver.

"Thank you!" nakangiti nitong sagot sa akin.

"Tara samahan na kita, kuha tayong pagkain mo." ang sabi ni Oliver sa akin.

"Huwag na Oli. Ako na ang sasama kay Zac. Kukuha na rin kasi ako ng pagkain kaya sasabay na lang ako sa kaniya. Ang mabuti pa e asikasuhin mo na lang iyong iba mo pang mga bisita. Ang dami pang dumadating oh." ang sabi ni Jiyu sa kaniyang kaibigan.

Tumango naman si Oliver at pagkatapos e nagpaalam na ito na sasalubungin lang iyong mga bagong dating na bisita.

Kami naman ni Jiyu ay tumayo na sa aming kinauupuan para kumuha ng aming makakain.

Habang nagsasandok kami ng pagkain, napakunot noo na lang ako nang makitang nakasunod sa amin sina John at Lance.

Tinanong namin ang mga ito kung hindi pa ba sila kumakain at isinagot nila na kumain na sila, pero nagugutom muli sila kaya kakain silang muli.

Habang kumakain e napansin kong panay ang tingin ng tatlo sa akin.

Hindi ako komportable sa atensyon na ibinibigay nila sa akin. Parang may mali at hindi ko lamang malaman kung ano talaga ito.

"Banyo lang ako." paalam ko sa kanila nang matapos na akong kumain.

Nagtungo ako ng banyo. Medyo maraming tao kaya naman medyo natagalan ako.

Nang pabalik na ako sa table namin, nakita ko na nag-uusap ang tatlo at nang makita nila akong palapit na sa kanila e tumigil sila at itinuloy ang kanilang pagkain.

Umupo ako sa dati kong inuupuan at isa-isa silang tinignan.

"Ano ba talaga ang problema at kanina ko pa napapansin na may hindi kayo sinasabi sa akin." medyo naiinis kong turan sa tatlo.

"A-ah? Ano bang sinasabi mo, wala ito nag-uusap lang kami." awkward na sagot sa akin ni Jiyu.

"Jiyu." mahina pero ma-otoridad kong tawag sa kaniyang pangalan.

"Wala nga, Zac." pagsisinungaling nito.

"Okay, uuwi na lang ako kung hindi rin kayo magsasabi sa akin." ani ko sa kanila.

"Hindi, wait, dito ka lang." ani sa akin ni John.

Sabay na napatingin sina Lance at Jiyu sa kanilang kaibigan.

"Anong sasabihin mo, John?" tanong ko sa lalaki.

"John, tumigil ka. Kung uuwi na si Zac, ihahatid ko na lang siya." ang sabi naman ni Jiyu.

"Hindi, hayaan ninyo na magsalita si John." inis kong sabi.

"Tumingin ka na ba sa mga social media mo?" tanong sa akin ni John.

Umiling ako.

"May iniiwasan kasi akong tao kaya hindi ko binibuksan ang phone ko o kahit laptop. Ilang araw ko na rin itong ginagawa." ang sabi ko.

Bumuntong hininga si John.

May kinuha ito sa bulsa niya, ang cellphone niya. Pinigilan pa siya nina Lance at Jiyu, pero sinabi ni John na makikita ko rin naman ang kung anong ipapakita niya kaya wala nang sense kung itatago pa nila sa akin.

Kinakal ni John ang phone niya at mayamaya pa ay may ipinakita itong video sa akin.

Napalunok ako ng aking laway.

Unang sulyap ko pa lang sa video ay alam ko na kung ano ang nangyayari.

Una kong nakita si Sir Dave. Coach ito sa basketball at siya din ang professor namin sa Physical Education at Humanities. Hubo at hubad si Sir Dave at kitang-kita sa video na may kinakantot siyang isang lalaki.

Nasa locker room sila ng gym sa school at mukhang after practice nila ginawa ang kamunduhan na ito.

Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Christopher. Si Christopher ay varsity player ng basketball sa school namin. Sikat na sikat ito at maraming nakakagusto sa kaniya.

Kaklase ko rin si Christopher kaya naman kahit papaano ay kakilala ko siya.

Iyong huling lalaki ang hindi ko inaasahan na makita. Halos madurog ang puso ko sa sakit na ibinigay nito sa akin.

Ang huling lalaki na ito ay si JD. Kinakantot siya ni Sir Dave habang subo-subo naman niya ang ari ni Christopher.

Tumulo na lang ang aking mga luha at parang nanglambot ang buo kong katawan.

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone na hawak ko, buti na lang ay nasalo ito ni John.

Kaagad akong nilapitan ni Jiyu at niyakap niya ako nang mahigpit. Humingi ito ng tawad sa akin at sinabi niya na kung pu-pwede lang e huwag ko nang malaman ang tungkol sa bagay na ito.

"Kailan pa ito?" umiiyak kong tanong sa kanila.

"Kaninang umaga lang iyan kumalat." sabi ni Lance.

"May balita ba kayo sa kanila?" tanong ko.

"Ang narinig ko, pumunta si Christopher sa mga otoridad at humingi ng tulong para mahanap ang nagpakalat ng video." si John ang sumagot.

"Alam namin iyong tungkol sa inyo ni JD kaya naman ikaw kaagad ang naisip namin. Alam namin na masasaktan ka kapag nalaman mo ang tungkol sa bagay na ito. Iyon ang dahilan kung bakit ka biglang inimbita ni Oliver dito sa party niya. Ang akala kasi namin e alam mo na at gusto ka naming i-comfort. Kaya lang nang puntahan kita, napansin ko na wala kang alam kaya sinabihan ko kaagad sina John na tumahimik muna at huwag kaagad sasabihin sa iyo." ang sabi ni Jiyu.

"Papaano ninyo nalaman ang tungkol sa amin ni JD?" ang tanong ko.

"Kaibigan kita Zac. Kahit hindi ka magsabi sa akin e alam ko ang mga bagay-bagay tungkol sa iyo." sagot ni Jiyu sa akin.

"Sa totoo lang e hindi kami okay ni JD kaya hindi ako nagbubukas ng mga gadgets ko. Hindi ko siya nais na makita lalo na at makausap." ang sabi ko.

"Papaano niyan kayo?" tanong ni Lance sa akin.

"Hindi ko alam. Sa totoo lang e hindi nagpo-proseso nang maayos ang utak ko." malungkot kong sagot at saka ko pinunasan ang aking mga luha.

"Zac, kung kailangan mo ng kausap at kaibigan, alahanin mo na naririto lang kami. Siguro ay hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala, ngunit malapit ka na sa amin at hindi namin hahayaan na pagdaanan mo ng mag-isa ang suliranin na ito." ang sabi sa akin ni Lance.

Ngumiti ako nang pilit at pagkatapos e muli ko na namang pinunasan ang aking mga luha.

Inihatid na ako ni Jiyu sa bahay. Papasok na ako sa amin noon nang marinig ko na may tumawag sa aking pangalan.

Nilingon ko ang taong iyon at nadama ko na may espadang bumaon sa aking puso.

"Zac." ang tawag sa akin ni JD.

Nilapitan ako nito at tumayo siya sa aking harapan.

"Alam ko na alam mo na. Hihingi ako ng tawad sa iyo, pero alam ko na hindi sapat iyon. Hindi rin ako magmamakaawa na patawarin mo ako dahil mas nanaisin ko na magalit ka dahil iyon naman talaga ang dapat. Zac, mahal kita sa maniwa ka man o sa hindi. Lahat gagawin ko para lang mabawi ko ang trust mo na nawala ko." ang sabi ni JD.

"Hindi ba ito naka-apekto sa trabaho mo?" mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Marami na ang nag-cancel ng appointment nila nang dahil sa video na iyon. Binitawan na rin ako ng company na nagbibigay sa akin ng mga kliyente kong artista. Sa totoo lang e gumaguho ang mundo ko ngayon. Hindi lang ikaw ang nawala sa akin kung hindi pati ang trabaho ko." malungkot na sabi nito.

Niyakap ko nang mahigpit si JD. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko, ngunit hindi na iyon mahalaga.

Mahal ko si JD at alam ko na mali din ang kaniyang ginawa. Hindi ko siya pinapatawad at hindi ko rin sinasabi na hindi ako nasasaktan.

Kaya lang e kailangan ako ng nobyo ko ngayon. Hindi ito ang panahon para magalit ako sa kaniya. Hindi ito ang panahon para intindihin ko kung ano ang nararamdaman ko.

"Zac." ang tawag sa akin ni JD.

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at pagkatapos e tinitigan niya ako nang maiigi.

"Galit ako at nais kitang sakalin ngayon. Ngunit hindi ko iyon gagawin dahil may mga bagay tayong dapat gawin na mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ko. Kailangan kitang alalayan ngayon na iniiwan ka ng lahat." ang sabi ko sa kaniya.

Ngumiti si JD at kasunod nito ay hinalikan niya ang aking mga labi.

Hindi ako tumugon ng halik sa kaniya, ngunit hindi rin ako tumanggi.

Hinayaan ko lang si JD, hinayaan ko lang ang sarili ko na halikan ako ng taong nagpira-piraso sa aking puso.

"Zac!" galit na tawag sa akin ng isang lalaki.

Napabitaw ako sa paghalik sa akin ni JD at pagkatapos e napatingin ako sa taong tumawag sa aking pangalan.

Palapit sa amin si Daddy at pagkatapos ay bigla niyang sinuktok nang malakas si JD.

Bagsak sa kalsada ang aking nobyo at basag din ang mga labi nito.

Tutulungan ko sana si JD, ngunit pinigilan ako ni Daddy.

"Zac, pumasok ka sa loob ng bahay!" galit na utos sa akin ni Daddy.

"Daddy naman!" inis kong sagot sa kaniya.

"Bakit Zac? Hindi mo pa rin ba alam ang ginawa ng lalaking iyan? Hinayaan ko kayo na maglaro ng apoy dahil nakikita ko na inaalagaan at pinapasaya ka niya. Pero sa kabila ng mga bagay na iyon, may kagaguhan pa lang siyang itinatago sa sulok ng kaniyang pagkatao!" nanginginig na sabi ni Daddy.

"Daddy mahal ko si JD!" umiiyak kong sabi.

"Hindi mo ba mahal ang sarili mo, anak?" ang tanong sa akin ni Daddy.

Hindi ako sumagot.

Tumingin nang masama si Daddy kay JD at pagkatapos ay binantaan niya ito.

"Kapag nilapitan mo pang muli ang anak ko, kakasuhan kita ng rape!" anang Daddy kay JD.

"Kuya Chad naman. Alam mo na mahal ko si Zac." si JD.

"Wala akong pakialam! Tapos na ang pagbubulag-bulagan ko sa ginagawa ninyong dalawa. Kung nais mo na manatiling mag-kapatid ang turingan natin, lalayuan mo na ang anak ko!" ang sabi ni Daddy kay JD.

Hinila ako ni Daddy papasok ng bahay namin. Iyak ako nang iyak at para akong bata na walang magawa.

"Tumigil ka sa kakaiyak mo! Ang tigas-tigas ng ulo mo! Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa lalaking iyon at nagkagusto ka sa kaniya." inis na sabi sa akin ni Daddy.

Hindi na ako sumagot pa at naglakad na lang ako papunta ng aking silid.

Patakbo kong tinungo ang aking kama at dito ko inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.

Umiyak ako nang umiyak nang umiyak at hindi ko alam kung gaano ko na ito katagal ginagawa.

AFTER SIX HOURS

Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, pero alam ko na masamang-masama ang loob ko.

Binuksan ko ang lamp shade at saka tinignan ang oras. Alas kuatro y medya pa lang ng umaga.

Nauuhaw ako kaya naman lumabas ako ng aking silid at nagtungo sa kusina.

Pabalik na sana ako sa aking kuarto nang makarinig ako ng mga kalaskas sa likuran ng bahay namin.

Napakunot ang noo ko.

Kumuha ako ng kutsilyo at saka dahan-dahan na naglakad patungo sa likuran ng bahay.

Laking gulat ko na lang nang makitang bukas ang pintuan namin dito.

May pintuan kami dito dahil malawak ang likuran ng aming bahay. Dito ang laundry area at may stock room din kami dito.

Maingat akong naglakad patungo sa screen door at sumilip dito. Gusto ko muna kasing makita kung may tao nga ba talaga sa labas o baka nakalimutan lang na isara ito at humangin lang nang malakas kaya nakarinig ako ng mga kaluskos.

Isasarado ko na sana ang pintuan at aalis na lang ako, pero natigilan ako nang may marinig akong magsalita.

Boses iyon ng Daddy ko.

"Gago ka ba? Bakit mo ako sinapak kanina?" boses ng isa pang lalaki.

Napalunok ako ng aking laway dahil alam ko na si JD ito.

"Huwag ka nang magalit pa, baby." sagot ni Daddy kay JD.

Baby?

"Ang sakit kaya ng ginawa mo." reklamo naman ni JD.

"Hahalikan na lang kita para hindi na masakit." anang Daddy.

Hindi ko sila nakikita, pero alam ko kung ano ang ginagawa nila. May tunog ang paghahalikan nila at sigurado ako na gustong-gusto nila ito.

Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko. Ang Daddy ko at ang kapatid niya ay may relasyon?

Hindi lang pala isa o dalawa ang lalaki ni JD kung hindi tatlo o baka marami pa.

Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kinakaya pa ang mga bagay na aking nalalaman.

Mayamaya pa ay narinig kong sinabi ni Daddy kay JD na doon sila sa stock room para mas komportable sila.

Hindi ko na inalaman pa kung ano ang gagawin ng mag-kapatid dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan.

itutuloy ...




CAST



STARRING
PSY TOLENTINO AS ZAC RIVERA



STARRING
KEVIN CACANADO AS CHAD RIVERA



STARRING
VERN ONG AS JD RIVERA



GUEST STARRING
YUJI SALVATORE AS JIYU SALVADOR



GUEST STARRING
JR GONZALES AS LANCE SANDOVAL



GUEST STARRING
GILLY NATAWANAN AS JOHN DIZON



GUEST STARRING
MATTHEW MCCOY AS OLIVER CANLAS


Comments

Popular posts from this blog

DANCE IN THE DARK SIXTEEN

DANCE IN THE DARK ONE

DANCE IN THE DARK FOURTEEN