DANCE IN THE DARK THIRTEEN
DANCE IN THE DARK: ZAC — CHAPTER THIRTEEN
ZAC'S POINT OF VIEW
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay JD.
"Gusto lang kitang masolo. Kahit isang araw man lang." seryoso nitong sagot sa akin.
"Kanino bahay ito?" tanong ko.
"Sa akin. Three years ago e nabili ko ang lupa na ito. Tapos nagpatayo ako ng bahay." sagot niya.
"Bakit hindi ko alam na nagpatayo ka pala ng bahay?" kunot noo kong tanong.
"Hindi ko lang naisip na kailangan kong sabihin sa iyo." sagot nito sa akin.
"Sabagay, marami ka naman talagang hindi sinasabi sa akin." wika ko.
"Look, dinala kita dito dahil gusto ko na maging masaya tayong dalawa ngayong araw. Sorry kung hindi ko nasabi sa iyo ang tungkol sa bahay na ito." ang sabi ni JD.
"It doesn't matter na rin naman kaya hayaan na lang natin." ang sagot ko.
Hinawakan ni JD ang mga kamay ko at pagkatapos ay tinitigan ako nito nang mabuti.
"Please, huwag ka nang magalit." malambing nitong sabi.
Tumango ako.
Inilapit ni JD ang mga labi niya sa aking mga labi. Naglikot ang dila niya sa loob ng aking bibig at hinayaan ko siya na hanapin ang bagay na hindi niya magawang matagpuan.
"I love you." ang mahina nitong sabi sa skin.
"I love you too." ang sagot ko naman sa kaniya.
"Ipinagluto kita ng makakain. Tara sa dining room?" si JD.
Tumango ako.
Habang kumakain kami ni JD, napansin ko ang madalas na pagtingin-tingin nito sa kaniyang cellphone.
Tinanong ko kung sino ang ka-chat o ka-text niya, pero umiling lang ito at sinabi na wala.
"Ikaw ang nagsabi na para sa atin ang araw na ito. Maaari ba na hayaan mo muna sila? Maaari ba na iyong nobyo mo muna ang asikasuhin mo? Magkakaroon ka naman ng ibang oras sa mga kabet mo e." ang seryosong sabi ko kay JD.
"Zac naman, si Jigs ang ka-chat ko. Hindi ba at na-move ng dalawang buwan iyong kasal nila? Ako ang photographer nila kaya kinakausap ko lang iyong tao." sambit ni JD. "Napaka-seloso mo. Kahit wala naman akong ginagawa e masama pa rin ang umiikot diyan sa utak mo."
"Kasalanan ko ba na masama ang umiikot sa utak ko? Sino ba ang nagpunla ng bad thoughts dito, hindi ba ikaw? Huwag kang umasta na ang bait-bait mo, na faithful ka, na santo ka. JD, manloloko ka, at palagi ko iyong maaalala sa iyo." ang sabi ko.
"Kung buo na pala sa isip mo ang mga bagay na iyan, bakit mo pa ako binalikan?" tanong niya sa akin.
Hindi ko na kinausap pa si JD at tinapos ko na lang ang pagkain ko.
Tinext ko na rin si Amos at sinabi kung nasaan ako ngayon. Magpapasundo ako at hindi na magtatagal pa sa lugar na ito.
Sandaling oras lang at dumating din kaagad si Amos. Gulat na gulat si JD at tinatanong nito kung saan ako pupunta.
Hindi ko siya pinansin, lumabas ako ng bahay niya at madaling sumakay sa sasakyan ni Amos. Sinabi ko sa kaibigan ko na umalis na kami at nagmamadali ako.
"Kanino bang bahay iyon?" tanong ni Amos sa akin.
"Wala. Huwag mo nang alamin." ang sagot ko.
"Ang init-init na ng panahon, ang init-init pa ng ulo mo. Ano ba kasi talagang nangyari?" si Amos.
"Ang kulit mo naman e." inis kong sabi dito.
Nagkibit balikat na lang si Amos. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho at naging tahimik kaming dalawa.
Palabas na kami sa subdivision na kinaroroonan namin nang biglang may tumawid na lalaki. Napahinto ng sasakyan si Amos. Napatingin kami sa isa't isa.
Lumabas kami kaagad sa kotse at nilapitan namin iyong lalaki.
"Okay ka lang?" tanong ko sa lalaki
"I'm fine, hindi naman ninyo ako nasagasaan." sagot nito.
"Sure ka? Namumutla ka at may dugo ang damit mo." sambit ko.
"Hindi iyan dahil sa inyo." sagot nito.
May kinapkap sa kaniyang bulsa ang lalaki at pagkatapos ay ini-abot niya ito sa akin.
Itatanong ko pa sana kung para saan ang flash drive na kaniyang ibinigay, pero bigla na lang tumakbo nang mabilis ang lalaki.
Muli kaming nagkatitigan ni Amos at pagkatapos e sumakay na kami muli ng kotse niya at umalis na.
Dumiretcho kami sa bahay nina Amos. Tinanong ko sa kaniya kung ano ang gagawin namin sa flash drive na ibinigay ng lalaki at sinabi nito na hindi niya alam.
"Natatakot ako." ang sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Ang daming dugo sa damit nung lalaki tapos takot na takot ito. Parang may mali." ang sagot ko.
"Itapon na lang kaya natin iyang flash drive na iyan. Baka kung ano pa ang mayroon diyan. Baka mapahamak pa tayong dalawa." ang sabi sa akin ni Amos.
"Bakit hindi na lang kaya natin tignan kung ano ang laman nito?" ang tanong ko naman.
"Zac, kapag tinignan natin kung ano ang laman ng flash drive na iyan, hindi na natin matatakasan ang mga pwedeng mangyari. Kapag itinapon natin iyan at kinalimutan na lang, tatakbong normal ang lahat-lahat sa atin." ang sabi ni Amos.
"Papaano iyong lalaki? Hindi niya ibibigay sa atin ang flash drive na ito na walang dahilan. Baka nanganganib ang buhay niya." nag-aalala kong sabi.
"Kung totoo nga na nanganganib ang buhay ng lalaking iyon, mas maiigi na huwag na lang natin tignan ang laman ng flash drive, ayaw ko na madamay tayo." ang sagot sa akin ni Amos.
"Ang duwag mo naman." sabi ko.
"Hindi pagiging duwag ang ginagawa ko, nagiging matalino lang ako. Para namang hindi ka nanonood ng mga crime series, palaging ganito ang nangyayari." ang sagot nito.
"Pahiram ako ng laptop mo." sabi ko kay Amos.
"Anong gagawin mo?" kunot noo nitong tanong sa akin.
"Titignan ko kung ano ang laman ng flash drive." ang sagot ko.
"Baliw ka na. Gumagawa ka ng ikakapahamak mo." naiiling na sabi ng aking kaibigan.
"Hindi kaya ng kunsensya ko na pabayaan na lang iyong lalaki." ang sabi ko.
"Zac, please, huwag na. Walang magandang patutunguhan itong nais mong gawin." ang sabi ni Amos sa akin.
"Pahiram na lang ako, Amos. Ang dami-dami mong sinasabi." anas ko sa kaniya.
Walang nagawa si Amos kung hindi ibigay ang hinihingi ko sa kaniya. Isinaksak ko sa laptop ang flash drive at pagkatapos ay tinignan ko ang laman nito.
Napakunot ang noo ko. Maraming laman ang flash drive na ito. Clips ng CCTV, mga documents, mga larawan, at kung ano-ano pa.
Napatingin ako kay Amos. Kunot din ang noo nito at parang kahit siya ay nagtataka sa kung ano ang aming tinitignan.
"Huwag mo nang galawin, parang iba't ibang files lang naman iyan na pinagsama-sama e." ani ng kaibigan ko.
Hindi ko pinakinggan si Amos. Pinuntahan ko ang folder ng mga videos at isa-isa kong nakita ang mga video na tungkol sa panganganak ng iba't ibang babae.
Napakamot ako ng aking ulo.
"Sabi ko na sa iyo wala lang iyan e." sabi ni Amos sa akin.
"CCTV lang ito ng isang kwarto sa ospital. Bakit kailangan na matakot ng lalaking nagbigay nito sa atin?" ang tanong ko sa aking kaibigan.
"Bawal ang ginawa niya syempre. Hindi dapat lumalabas ang mga kopya ng CCTV na hindi naapruban ng establisyimento kung saan ito nanggaling." ang sagot sa akin ni Amos.
"Sa tingin mo e ganoon lang iyon?" tanong ko kay Amos.
"Sa tingin ko e ganoon lang iyon. Huwag ka na lang masyadong mag-isip." ang sagot sa akin ni Amos.
JD'S POINT OF VIEW
"Hindi na tayo dapat pang nagkikita." ang matigas na sabi ni Jigs sa akin.
"Hindi na dapat? E bakit nandidito ka pa rin ngayon?" sagot ko sa lalaki.
"Hindi ko na gustong lokohin pa si Juan. Hindi ko nais na gawin sa kaniya kung ano ang ginawa mo sa akin noon." ang sagot sa akin ni Jigs.
"Halikan mo na ako." utos ko sa kaniya.
"JD." ang tawag nito sa aking pangalan.
"Kung ayaw mo e ako na lang ang hahalik sa iyo." ang sabi ko at pagkatapos ay inilapit ko na ang aking mga labi sa kaniyang mga labi.
Hindi ako nakaramdam ng pagtutol kay Jigs. Tumugon ito ng halik sa akin at pagkatapos e yumakap siya nang mahigpit.
Hinubad ni Jigs ang kaniyang suot na pantalon at pagkatapos ay sinabi nito na susuhin ko na ang kaniyang ari. Kailangan daw naming bilisan dahil magkikita sila ng kaniyang nobyo.
Hindi na rin naman ako nagpatumpik-tumpik pa. Isinubo ko na nang buo ang tarugo ni Jigs at inumpisahan na itong susuhin.
Sinabunutan ako ni Jigs at marahas itong umulos sa aking lalamunan. Para siyang hayop na hayok na hayok na hindi ko maintindihan.
"Ang lalim talaga ng lalamunan mong hayop ka! Ang galing-galing mo pa ring chumupa hanggang ngayon!" dinig kong sabi ni Jigs.
Mas binilisan pa ni Jigs ang pagkantot sa aking bibig at habang tumatagal e mas lalo pa itong nagiging marahas.
Tumutulo na ang aking mga luha at ganoon na rin ang aking laway. Hirap na hirap ako sa pagsuso sa malaking tarugo ni Jigs, ngunit hindi ko naman mapigilan na gawin ito sa kaniya.
Para siyang isang droga na hindi ko kayang tigilan. Naaadik ako sa kaniya at alam ko na ganito rin siya sa akin.
Kakaiba ang sarap na kaya niyang ibigay sa akin at alam ko na hindi ko ito nakukuha kay Zac o sa iba ko pang nakakaniig.
Dinilaan ko ang kabuuan ng tarugo ni Jigs. Sinipsip ko ang ulo niya at pagkatapos ay dinilaan na naman ang katawan. Paulit-ulit ko itong ginawa kay Jigs at paulit-ulit din akong nasarapan sa kaniya.
Bumaba ako sa kaniyang mga bayag. Salitan kong isinubo ang mga ito at sinipsip. Pinaghahalikan ko rin ang mga ito at pagkatapos ay dinilaan nang dinilaan hanggang sa halos mangintab na nang dahil sa aking laway.
"Baby, isubo mo na ulit ang tite ko, malapit na akong labasan!" ani sa akin ng lalaki.
Binalikan ko ang tite ni Jigs at muli nga itong isinubo. Hindi pa man nagtatagal ang pagchupa ko sa kaniya ay nilabasan na ng marayupot na sabaw ang lalaki.
Kinain at inubos ko ang soup ni Jigs. Sarap na sarap ako at pakiramdam ko ay nabitin ako sa kaniyang ibinigay sa akin.
Nais ko pa ng marami. Nais ko pa siyang kainin nang buo.
Isusubo ko pa sanang muli ang tite ni Jigs nang pigilan ako nito.
"Aalis na ako, baka hinahanap na ako ni Juan." ang sabi ni Jigs.
"Tatlong linggo na natin itong ginagawa, pero pakiramdam ko e ayaw mo pa rin." ang malungkot kong sabi sa kaniya.
"Nasasarapan ako sa pakikipagtalik sa iyo, inaamin ko naman iyon. Kaya lang hindi maiwasan na hindi ako ma-guilty sa ginagawa natin. Tatlong linggo ko nang niloloko ang nobyo ko. Sa tagal na ng relasyon namin ngayon ko lang ito ginawa sa kaniya." sagot ni Jigs.
"Ayan ka na naman sa pagiging pretentious mo. Sa susunod na aayain kita huwag ka na lang pumunta." inis kong sabi sa lalaki.
Bumuntong hininga si Jigs.
"Hindi ko kayang hindi pumunta." ang sagot nito sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Hindi mahilig makipagtalik si Juan. Mas gusto pa nito na gumawa kami ng kung ano-anong mga bagay kaysa sa magtalik." sagot niya.
"Ah, tigang ka. Tigang ka kaya naman hindi mo ako pinigilan nang inakit kita three weeks ago." ako.
"Oo." sagot niya.
"Gusto mo naman pala ang mga nangyayari. Kaya huwag mo na akong i-guilt trip okay?" ani ko sa kaniya.
"Sige na, bumaba ka na sa sasakyan ko. Aalis na ako." si Jigs.
I rolled my eyes.
"Bahala ka sa buhay mo. Huwag na huwag mo akong hahanapin kapag tigang ka na." inis kong sabi at saka padabog na lumabas sa kaniyang kotse.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa kotse ni Jigs, nagulat na lamang ako nang makita ko si Juan. Nakatingin sa akin ang lalaki at naka-kunot ang kaniyang noo.
"JD." tawag nito sa akin.
"J-juan. Anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Sinusundo iyang boyfriend ko. Kanina pa ako naghihintay sa place na pagkikitaan namin at naiinip na ako. Sinabi niya na nandidito siya sa parking lot kaya pinuntahan ko na." sagot nito.
Tumango-tango ako.
"Ikaw, anong ginagawa mo sa loob ng sasakyan ng NOBYO ko?" tanong ni Juan sa akin.
"Ah? Ano-ano kasi, pauwi na sa-sana ako kaya lang e pinulikat ang paa ko. Sakto naman na naririto si Jigs kaya tinulungan niya ako." sagot ko sa kaniya.
"Ipinasok ka niya sa sasakyan niya?" ang tanong ni Juan sa akin.
"Oo, para daw maging komportable ako habang hinihintay kong maging okay ang paa ko." sagot ko.
"Naging okay naman ba ang paa mo nang ipasok ka niya sa sasaktan niya? NASARAPAN ka ba?" tanong ni Juan.
"J, nandidito ka pala." biglang sabi ni Jigs. "Oh nakita mo pala si JD."
"Pinuntahan na kita dito kasi ang tagal-tagal mo. At oo nakita ko si JD, sinabi niya na tinulungan mo daw siya nang natisod siya kanina." ang sabi ni Juan.
"Ah-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang magsalita si Jigs.
"Ah oo, medyo tanga din itong si JD, hindi tinitignan ang dinadaanan niya." si Jigs.
"O ayon, JD. Tumingin ka daw sa dinadaanan mo. Huwag kang padalos-dalos sa mga bagay na ginagawa mo dahil mapahamak ka. Buti na lang e naririto ang NOBYO ko para tulungan ka. Kung ibang tao lang ang nakakita sa iyo, baka hinayaan ka lang at hindi na pinansin." ang makahulugan na sabi ni Juan.
Napalunok na lang ako ng aking laway at nag-iwas ng tingin sa kanila.
Pagkatapos no'n ay umalis na rin ang mga ito. Naiwan ako na nag-iisip sa mga bagay na ginawa ko.
Kapag nalaman ni Zac ang tungkol sa amin ni Jigs, sigurado na hindi na ako mapapatawad nito. Sigurado na kamumuhian na niya ako habang buhay.
CHAD'S POINT OF VIEW
"Anak, anong iniisip mo?" tanong ko kay Zac nang makita ko itong mag-isa at tulala sa may pool.
"Wala, Dad." sagot nito.
"Zac, kilala kita. Magsabi ka ng totoo sa akin." wika ko
Bumuntong hininga si Zac.
"Si JD kasi e." naiinis nitong sagot.
"Huwag mong sabihin sa akin na binalikan mo siya?" tanong ko.
"Oo." sagot niya.
Napabuntong hininga ako.
"Anak naman, ano ba namang katangahan ang pinaggagagawa mo? Alam mo naman na hindi ka mahal ni JD, hindi ba? Bakit ba ang kulit-kulit mo? Bakit ba ipinagpipilitan mo sa kaniya ang sarili mo?" dismayado kong sabi.
"Mahal ko siya, Dad." ang sagot nito.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para tigilan mo na ang kahibangan mo kay JD." sabi ko.
"Sorry kung matigas ang ulo ko, Daddy. Alam ko na disappointed ka, pero hindi kasi kita kayang sundin e." sagot nito.
"Anak, kung mahal mo pa ako. Kung mahal mo pa ako e ako ang pipiliin mo at hindi si JD." seryoso kong sabi sa kaniya.
"Daddy naman. Huwag ka naman ganiyan, huwag mo naman akong papiliin." ani nito.
"Hindi, Zac. Mas maiigi pa kung pumili ka na lang. Kung si JD ang pipiliin mo, sumama ka na sa kaniya, hindi kita pipigilan. Pero hindi mo na rin ako pwedeng tawagin o ituring na ama." ang sabi ko.
Nakita ko na tumulo ang mga luha ni Zac, pero kaagad niya rin itong pinunasan.
"Itatakwil mo ako, Daddy?" tanong niya.
"Hindi ka matututo ng leksyon kung hindi ko ito gagawin sa iyo. Pabalik-balik na lang tayo. Mahal na mahal kita at masasaktan ka lang kung hahayaan lang kita na gawin ang gusto mo kay JD." ang sagot ko kay Zac.
Hindi kumibo si Zac.
Hinintay ko na sumagot siya sa akin, ngunit lumipas na ang ilang segundo ay nanatili pa rin ito na nakatitig lang sa akin.
"Hindi ko inaakala na mas mahal mo ang lalaking iyon kaysa sa akin. Sabagay, sino ba naman ako sa iyo? Hindi naman ako ang totoo mong tatay kaya hindi mo ako pinapahalagahan." sambit ko sa kaniya.
Naglakad na ako palayo kay Zac. Sobra talaga akong nasaktan sa ginawa nito. Hindi ko inaakala na hanggang sa huli ay si JD pa rin ang pipiliin niya.
Hindi ko alam kung bakit baliw na baliw siya kay JD. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng magaling kong kapatid para mauto niya nang ganito ang aking anak.
Kung sabagay ay dumating din ako sa pagkakataon na nabaliw ako sa kaniya. Na kahit ako ay kinalimutan ko ang mga paniniwala ko para lang sumaya sa piling niya.
Ngunit tapos na iyon. Nagising na ako sa katotohanan at gagawin ko ang lahat upang mahila palayo sa kaniya ang anak ko.
"Daddy, wait lang." anang Zac at saka ako niyakap nito nang mahigpit.
Nilingon ko ang anak ko at tinanong ko kung ano ang kailangan niya.
"Huwag ka nang magalit sa akin. Mas mahal kita kaysa kay JD. Ikaw ang pinipili ko, kaya sana ay maging okay na tayong dalawa." sabi ni Zac.
"Baka naman sinasabi mo lang ito para paniwalain ako na titigilan mo na si JD, pero soon ay malalaman ko na hindi naman pala." seryoso kong sabi dito.
"Daddy, may tiwala ka ba sa akin?" tanong nito sa akin.
Tumango ako.
"Kung may tiwala ka sa akin, maniwala ka na iiwasan ko na siya." ang seryosong sabi nito.
JASON'S POINT OF VIEW
"Umiinom ka na naman." ang sabi ni Daddy sa akin.
"Pampa-antok lang." sagot ko.
Na-upo sa tabi ko si Daddy. Kinuha niya ang isang beer at sinabayan na ako sa pag-inom.
Tumingin ako rito. Tinanong ko siya kung kumusta ang trabaho niya at kung ano-ano pa.
"Okay lang naman ang trabaho ko. Okay lang naman ako." ang sagot niya. "Ikaw ba okay ka lang?"
"O-okay lang ako." sagot ko.
"Sinungaling. Simula nang maging kaibigan mo ulit si Zac, naging ganito ka na naman." ang sambit ni Daddy.
"Naging ganito? Hindi ko alam ang tinutukoy mo." ang sabi ko.
"Naging malungkutin ka na naman. Oo, malungkutin ka na dati, pero mas lumala ito ngayon." ang saad ni Daddy.
"Hayaan mo na lang ako, Daddy. Maniwala ka man o sa hindi, masaya pa rin naman ako." ang wika ko.
"Anak, hanggang kailan mo ba pahihirapan ang sarili ko? Hindi ka mahal ni Zac. Hindi ka niya mamahalin sa paraan na nais mo." seryosong sabi ni Daddy.
"Hindi mo naman kailangan na sabihin sa akin ang bagay na ito. Batid ko na ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin."
"Batid mo, pero pinipili mo pa ring gawin ang bagay na makakasakit sa iyo. Anak, hindi mo ba siya kayang kalimutan? Hindi mo ba kayang mag-move on na lang?"
"Kung kaya ko edi sana ay matagal ko nang ginawa. Nagmahal ka rin, Dad. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko." sagot ko.
"Nagmahal ako at ang Mom mo iyon. Minahal akong pabalik ng Mom mo, kaya mayroon ka ngayon. Ang sa inyo ni Zac ay iba. Mahal mo siya, pero hindi niya kayang ibalik sa iyo ang pagmamahal na iyon."
"Daddy, huwag na lang natin itong pagtalunan. Hayaan mo na lang ako. Kapag napagod nang masaktan itong puso ko, sa tingin ko naman ay titigil din ako." ang saad ko.
Tumango si Daddy at saka lumagok ng alak.
Hindi rin siya nagtagal at nagpaalam na rin siya sa akin. Sinabi niya na huwag na akong magpapakalasing at matulog na rin kaagad.
Kumuha ako ng dalawang bote ng beer sa refrigerator at pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Umupo ako sa may plant box. Kinuha ko ang isang bote ng beer at uminom dito.
Nakakalahati ko na ang beer nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa bahay sa may harapan.
Lumabas ang isang lalaki mula sa maliit na pintuan ng gate. May dala itong garbage bag, inilagay niya iyon sa lalagyanan ng basura.
Napatingin sa akin ang lalaki at kaagad akong nginitian nito. Tumugon ako ng ngiti sa kaniya at pagkatapos ay tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Nilapitan ko ang lalaki at nagpakilala ako sa kaniya.
"Loyd, kakalipat ko lang dito." nakangiti nitong sabi.
"Ikaw pala iyong bagong lipat diyan. Welcome sa lugar natin." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Ngumiti ito at nagpasalamat.
"Umiinom ka ba?" tanong ko. "May isa pa akong beer doon."
"Okay lang ba na hingiin ko?" tanong ni Loyd sa akin.
"Oo naman." nakangiti kong sagot sa kaniya.
Kinuha ko iyong beer, binuksan ito at ibinigay sa kaniya. Nagpasalamat sa aking si Loyd at pagkatapos ay uminom na kaming dalawa.
Nagkwentuhan kami nito. Mga bagay-bagay, kung bakit siya lumipat dito, kung papaano niya nalaman ang lugar na ito, iyong mga ganoong bagay.
Hindi naman masikretong tao si Loyd kaya naman sinagot niya ang lahat ng tanong ko sa kaniya.
Sa huli ay hindi lang isang bote ng beer ang nainom nito. Bumalik pa ako sa loob ng bahay namin at kumuha pa ako ng maraming alak.
Sobra akong nag-enjoy kasama ni Loyd. Magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit.
Madaling araw na kaming natapos nito sa pag-inom. Naghanda na rin ako para matulog dahil kailangan ko pang magising ng maaga.
FOUR HOURS LATER
"Hoy mahal na prinsipe!" dinig kong tawag sa akin ni Daddy habang niyuyogyog nito ang aking katawan.
Inimulat ko ang aking mga mata at kaagad kong nakita ang asungot kong ama.
"Gising na po mahal na prinsipe. May lalakarin tayo ngayon, hindi ba?"
"Dad, hindi ba pwede na ikaw na lang ang umalis ngayon? I'm sure kaya mo naman na pumunta doon ng mag-isa. Masama kasi ang pakiramdam ko. Naparami ako ng inom kagabi."
"Naparami ka talaga. Inubos mo ang lahat ng stock ng beer na mayroon ako e." inis nitong sabi sa akin.
"Sige na, huwag ka nang magalit." sabi ko rito.
"Tsk! Bakit pa ba ako nabibigla sa iyo. Oo na ako na lang mag-isa ang aalis. May pagkain ka na doon. I-init mo na lang. May gamot ka na rin para mawala ang sakit ng ulo mo." anang Daddy.
Tumango ako.
Nagpaalam na si Daddy at sinabi niya na tutuloy na siya sa dapat ay lakad sana naming dalawa.
Dinadalaw na ako ng antok nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Hindi ko na sana ito papansinin pa, ngunit paulit-ulit ito at hindi tumitigil.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Lumabas ako ng kaarto ko at madali kong tinungo ang labasan at binuksan ang gate.
Nagulat na lang ako nang makita ko si Loyd, nakangiti sa akin.
"Hi! Sorry kung wala akong tigil sa pag-doorbell. Sinabi kasi sa akin ng Daddy mo na mag-doorbell muna nang paulit-ulit para labasan mo ako." anang lalaki.
"Hay! Si Daddy talaga e! Gising naman ako. Dapat pinapasok ka na lang niya sa loob at tinawag ako." naiinis kong sabi.
"S-sorry." anang Loyd.
"Uy! Hindi! Kay Daddy ako naiinis hindi sa iyo. Pinaglalaruan na naman kasi ako ng mokong na iyon." ang sabi ko.
"You call your Daddy, a mokong? Okay lang sa kaniya iyon?" kunot noo na tanong ni Loyd.
"Syempre hindi. I only call him like that kapag wala siya." nakangiti kong sagot.
Napatingin ako sa mangkok na hawak ni Loyd.
"Ano iyan?" tanong ko.
"I cooked, sopas. Alam ko kasi na malalasing ka. Ang dami kasi nating nainom." nakangiti nitong sabi.
"Ipinagluto mo ako?" tanong ko.
"Ah? Ano-ano, naglu-nagluto rin naman ako kaya dinagdagan ko na. Sinabi rin pala ni Tito Jameson na may iniluto siyang pagkain sa iyo. I-iinit ko na lang." ang sabi ni Loyd.
Tumitig ako nang maiigi sa lalaki. Pagkatapos no'n ay inaya ko na itong pumasok sa loob ng bahay.
Inihapag ni Loyd ang sopas na iniluto niya para sa akin at pagkatapos ay iniinit naman niya iyong soup na ginawa ni Daddy.
Ipinaubos sa akin ni Loyd ang lahat ng pagkain na iyon. Pina-inom niya rin ako ng gamot at sinabi na uminom ako nang maraming tubig.
"May itatanong ako sa iyo." anang Loyd.
"Ano?" tanong ko habang nginunguya ko ang kinakain ko.
"Kilala mo ba si Zac?" tanong nito.
Napahinto ako sa pagkain at napatitig ako sa lalaki.
"May gusto ka ba kay Zac?" tanong ko.
"Ah? Hindi, wala." sagot nito.
"Kung ganoon, bakit mo siya itinatanong sa akin?" tanong ko.
"Wala, kaibigan ko kasi si BJ at nakita kong kausap niya iyong Zac." ang sagot nito.
"Nakita mo? Kailan?" tanong ko.
"Hindi pa katagalan." sagot nito.
Kumunot ang noo ko.
Kailan pa lang? E hiwalay na sina BJ at Zac sa mga panahon na ito. Sinasabi rin ni Zac na hindi na niya kinakausap si BJ.
"May problema ba?" tanong ni Loyd sa akin.
"Pamangkin ni BJ si Zac. Kaibigan ko si Zac, malapit na kaibigan." ang sagot ko.
Tumango-tango si Loyd.
"Malapit na kaibigan?" tanong nito.
"Oo, bestfriend ko si Zac." sagot ko.
"Akala ko malapit na kaibigan e boyfriend mo siya." ang sabi nito.
"Bakit mo naman naisip iyon?" tanong ko.
"Wala." sagot nito.
Tumango-tango ako.
"Ang sabi mo ay nakita mo sina BJ at Zac nitong nakaraan lang. Bukod sa pag-uusap ay ano pa ang ginagawa nila?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
"Wala na ba silang ginagawa bukod sa pag-uusap?" tanong ko.
Hindi sumagot si Loyd.
"Loyd?" tawag ko sa pangalan niya.
"Masarap ba ang pagkain na niluto ko?" nakangiti nitong tanong sa akin.
"Iniiba mo naman ang usapan e." sambit ko.
Bumuntong hininga ang lalaki.
"Kung ano man ang nakita ko, akin na lang iyon. Huwag mo na lang intindihin iyon." ang sabi ng lalaki.
"Sana hindi mo na sinabi sa akin kung hindi mo rin naman itutuloy." ang saad ko.
"Ikaw na ang may sabi, mag-tito sila. Kailanagan na kalimutan ko na lang kung ano ang nakita ko." sagot nito.
"Edi tama nga ang nasa isip ko." saad ko. "Huwag kang mag-alala, alam naman ng lahat ang tungkol sa kanila. Iyon nga lang, alam namin na hiwalay na sila. Hindi namin batid na nagkabalikan sila." ani ko.
"Ibig sabihin ay sila talaga?" gulat na tanong ni Loyd sa akin.
"Kaibigan mo si BJ, hindi ba? Dapat alam mo na ang tungkol sa bagay na ito." ani ko.
"Hindi naman lahat ay alam ko." sagot nito.
"Hindi naman magkadugo sina BJ at Zac. Wala namang incest na nangyayari, pero parang ganoon pa rin dahil sa mata ng mga tao ay mag-tito pa rin sila." ang saad ko.
Muling iniba ni Loyd ang usapan. Nagtanong na lang ito ng kung ano-ano. Hindi na rin ako nagpilit pa na usisain siya tungkol kina BJ dahil mukhang hindi ito komportable.
Hindi nagtagal e nagpaalam na rin si Loyd sa akin.
Ako naman ay bumalik sa kwarto ko at nahiga sa aking kama.
Narinig ko na tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha. Sinagot ko ang tumatawag na si Zac at tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya.
"O bakit parang inis na inis ka sa akin?" tanong ni Zac sa akin.
"Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ko.
"Ang sungit mo naman. Kung ayaw mo akong tulungan, okay lang. Sa iba na lang ako magpapatulong." sagot ni Zac at saka na ako nito pinatayan ng tawag.
Ibinalibag ko ang phone ko sa kung saan at pagkatapos ay muli kong ipinikit ang aking mga mata.
Hindi ko na inintindi pa kung ano ang iniisip sa akin ni Zac ngayon. Masama ang loob ko sa kaniya dahil nagsinungaling siya. Nakikipagkita pa rin siya kay JD at hindi na ako magugulat pa kung tama ang hinala ko na sila nang muli nito.
itutuloy ...
CAST
STARRING
PSY TOLENTINO AS ZAC RIVERA
STARRING
KEVIN CACANADO AS CHAD RIVERA
STARRING
VERN ONG AS JD RIVERA
ALSO STARRING
GELO RIVERA AS JASON HERNANDEZ
GUEST STARRING
LANCE TEPORA AS JIGS RODRIGUEZ
GUEST STARRING
TAMA PRATAMA AS JUAN ARANETA
GUEST STARRING
AJ DEE AS JAMESON HERNANDEZ
GUEST STARRING
DANIEL MERCADO AS LOYD RIVERA
Comments
Post a Comment